Chapter 31

6.9K 266 1
                                    

Chapter 31

Napahinga naman ako nang malalim habang papasok kami sa palasyo.

Napatingin naman ako kay Andrei na kalmado pa rin kung titingnan.

Buti pa siya hindi kinakabahan.

Pero agad rin naman akong napatigil nang biglang bumukas ang pintuan ng hall kung saan ipagdadaraos ang party para sa engagement at birthday ni Papa Tris.

"And let us welcome! Prince Voltaire Lyssandrei de Lacares and our very own Princess Vianca Lucresia Fantasia!"

Rinig kong sabi ng emcee kaya napabuga nalang ako ng hangin saka nagsimulang maglakad.

Nakita ko namang napatigil silang lahat saka napalingon sa amin.
Lahat sila ay hindi makapaniwala.

Jusme! Gulat na gulat na nga silang makita ako paano nalang kaya kung malaman nilang ako 'to?

Na si Lorraine Eureka at ang prinsesa ay iisa?

Isipin niyo nga!

Ang awkward kaya.

Pumunta naman kami sa table kung nasaan sina Zach.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi nang makita ko si Olivia.

"Omo!"

Bungad sa amin ni Isa kaya napailing nalang ako.

Magsasalita na sana ito nang ilingan ko siya.

Napaismid nalang tuloy ito.

"Just wait here, kakausapin ko na muna sina Mommy."

Sabi ni Voltaire kaya tumango lang ako.

Mabuti nalang at medyo makapal ang make up ko kaya kahit mata at ilong ko lang ang natatakpan ng maskara ay hindi ako basta-bastang makilala.

"I never knew na ibububyag niyo na pala na may something kayo."

Sabi ni Isa na tinanguan ko lang.

"Ako rin. Ngayon nila ia-announce ang engagement namin ni Andrei. But not my identity, mananatili pa ring sikreto kung ano ang itsura ko hanggang 18th birthday ko."

Sagot ko at nakita ko namang napangisi si Olivia.

'Kung aabot ka pa sa araw ng kaarawan mo,'

Ani niya sa isip niya kaya napatitig ako sa kanya.

Imbes na pag-aksayahan siya ng oras ay umiling nalang ako at ibinaling ang atensyon kay Zach.

Mamaya ko na siguro babatiin si Papa Tristan.

Mukha kasing seryoso ang pinag-uusapan nila.

May hawak na fried chicken si Zach kaya hinablot ko na lamang ito at sinumulang papakin.

Napailing nalang tuloy sila.

Hindi ko pa maiwasang hindi mapataas ang kilay nang marinig ko ang bulungan ng iilan.

'So ang Prinsesa nga ang mate ng Prinsipe?'

'Mukhang ganun na nga. Pero sayang nga lang at may mask ang Prinsesa. Hindi natin makikita ang mukha niya.'

'Oo nga, ang swerte niya. Ang gwapo ng Prinsipe. At halatang gusto siya. Panay kaya ang sulyap nito sa kanya.'

'Jusme. Kung ganyan ka-gwapo ang mapapangasawa ko. Ipagngangalandakan ko talaga sa buong mundo ng mahika.'

Nagsimula naman ang program at may iilan pang pinagagawa hanggang sa isa-isa nang tinawag ang mga mag-gigreet kay Papa.

At syempre isa na ako roon.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now