Chapter 16

8.8K 284 2
                                    

Chapter 16

Kalaunan ay lumabas rin ako ng kwarto ko at naisipang kumain nang kung anong meron sa kusina.

Pero agad rin naman akong napatigil nang mapansing nandun pa rin sila.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa kusina.

"Raine naman."

Rinig kong sambit ni Isa kaya napalingon ako sa kanya.

"Ba't ka ba nagagalit? Fine! Sorry na!Pero ginawa lang namin 'to para sayo."

Sabi niya kaya napatitig ako sa kanya.

"Oo nga Riri, we just want you safe."

Dagdag pa ni Tyler.

"Alam ko but that doesn't mean wala akong karapatang magalit sa ginawa niyo. At least you should give me time to adjust and accept this. Hindi porket nalaman ko na ang katotohanan ay magtatalon ako sa tuwa."

Ani ko.

"Magkakilala naman pala kayo pero kung umasta kayong hindi magkakilala. Mama mo naman pala ang Prof natin pero hindi mo siya makasama dahil sa kailangan niyong umarte na parang hindi niyo kilala ang isa't isa para sa akin."

"Oo ginagawa niyo ang lahat ng 'to para sa akin, kaya nagkakaganito ako. Yes, I am grateful on what you've done but I'm not asking you to do this for me."

Ani ko at hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko.

"You are doing your best to make sure that I'm safe pero ako 'tong walang kaalam-alam sa pinagagawa niyo."

Nakita ko namang tila ba napabuntong-hininga sila dahil sa sinabi ko.

At imbes na sa kusina ako pumunta ay  dumiretso nalang ako sa pintuan palabas ng dorm namin.

Gusto kong magpahangin.

Wala naman sigurong rogue o kung ano, ngayon hindi ba?

* - *

Naglakad naman ako papunta sa field at doon humiga sa may grass.

Napabuntong hininga naman saka bahagyang napangiti ng kaunti nang masilayan ko ang mga nagkikinangang mga bituin at ang napakagandang buwan.

Nakatitig lang ako dun ng ilang minuto bago naisipang umupo nalang imbes na humiga.

Nagpalabas naman ako ng light balls na iba't iba ang kulay.

Nagpa-ulan rin ako ng snowflakes na glow in the dark at kumikinang-kinang.

Nagpatubo rin ako ng mga bulaklak na glow in the dark na iba't iba rin ang klase at kulay.

Nagpalabas rin ako ng mga butterflies na kumikinang at paiba-iba ang kulay.

Ang bango-bango ng mga bulaklak.

Nakatitig lang ako sa mga ginawa ko saka ko napagpasyahang bumalik na sa dorm.

Inaantok na rin kasi ako.

Medyo malamig na rin kasi ang simoy ng hangin saka medyo kalmado na rin ako.

Nag-teleport naman ako papunta sa kwarto ko.

Nasa sala pa rin kasi silang tatlo.

Ewan ko ba kung anong plano nila sa buhay.

Kung plano ba nila Andrei at Tyler na dito na manuluyan sa dorm namin.

Napairap nalang tuloy ako sa naiisip ko.

Lumabas naman ako sa kwarto ko.

"Magsiuwian na kayong dalawa, Tyler at Andrei, habang ikaw naman Isabella ay matulog ka na. May klase pa tayo bukas."

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now