Chapter 18

8.9K 287 6
                                    

Chapter 18

Nanigas naman ako nang tuluyan na nga niya akong hinalikan.

Nababaliw na nga siya!

Shete!

Ano na ang gagawin ko?

Napasinghap nalang ako nang bigla itong magmulat kaya nagpatitig kami sa isa't isa.

Naramdaman ko naman ang lakas at bilis ng pintig ng puso nito.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko.

I just stared at him blankly.

* - *

Nasa sala na kaming dalawa at parehas na walang kibo.

Ano ba naman kasi ang naiisip niya at hinalikan niya ako?

Napabuntong-hininga nalang ako saka humiga sa sofa.

Tumitig sa kisame saka napahikab.

"Sorry"

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.

"Para saan? Pang-ilang beses mo nang sorry yan."

Ani ko at nakita ko namang napangiwi ito.

"Are you going to sleep?"

Tanong niya.

"Depende" Sagot ko naman.

"Matulog ka nalang muna. May pupuntahan muna ako."

Sambit niya kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Saan?" Pang-uusisa ko.

"Diyan lang, just wait here o kung pwede matulog ka na muna. Babalikan kita."

Tinapunan ko naman siya ng unan.

"Alangan namang pabayaan mo ko rito. Sipain kita diyan eh." Sambit ko kaya napangiwi ito.

"Sige na, matulog ka nalang o hindi kaya magtingin-tingin ka sa kung anong gusto mong tingnan."

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Umalis ka na, andami mo pang sinasabi eh."

Sabi ko kaya napairap ito at umalis na ng tuluyan.

'Saan kaya pupunta ang isang 'yon?'

Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at naisipan pumunta sa kwarto niya.

Bahala siya, sabi niya magtingin-tingin eh.

Hinulaan ko nalang kung nasaan ang kwarto niya and luckily.

And luckily ang una kong binuksan na pintuan ng isang kwarto ay sa kanya.

Naamoy ko kasi ang pabango niya pagkabukas ko palang sa pinto.

Pumasok naman ako.

Navy blue and white.

Iyang ang theme ng kwarto niya.

Ang boring.

Pero in fairness ang bango.

Inilibot ko naman ang tingin ko at napatitig ako sa frame na nasa bedside table niya.

Nilapitan ko naman iyon saka kinuha.

Kaming dalawa ang naka-sketch dun at magkaharapan.

Binuksan ko naman ang likuran ng frame dahil feeling ko may nakasulat dun sa may back part ng papel na may sketch.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن