Chapter 11

9.3K 327 0
                                    

Chapter 11

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng oversize shirt at cyclings.

Tinitigan ko naman ang dalawang bouquet, saan ko naman kaya ilalagay ang mga iyan?

Napatingin naman ako sa card na nasa bouquet ng bulaklak na bigay ng Prinsipe.

'It's not nice to see you talking and smiling with him, Cresia. But still, I wish you a good night sleep and happy sweet dreams. In short, dream of me my Cresisa. - Andrei'

Baliw na nga yata iyon.

Kinuha ko nalang iyon at dinala sa sala.

"Isa, may vase ba tayo diyan?" Tanong ko kaya napalingon ito sa akin.

"Woah! Saan galing ang iyang isang bouquet?"

Nagkibit balikat naman ako kaya napangiwi siya.

"Grabe ka, ang ganda mo talaga friend. Ikaw na talaga."

Ani niya kaya napaismid nalang ako.

"Akin na nga iyan, ako na ang bahala."

Tumango naman ako.

"Ah, sige. Thanks Isa."

Sambit ko saka ibinigay sa kanya ang bulaklak at bumalik sa kwarto ko.

Napabuntong-hininga naman ako at tinungo ang closet ko.

Iyong nag-flash na image kanina sa isipan ko, iyong papel na hawak ko.

Parang pamilyar nga iyon eh.

Mukhang may ganun yata akong inipit ko sa mga sketchbooks ko.

Dali-dali ko namang itong hinanap.

May lima akong sketchbooks.

Iyong dalawa, hindi pa nagagamit habang ang dalawa ay ubos na ang pages at ang isa ay paubos pa lang.

Madalang nalang kasi ako sa pag i-sketch ngayon.

Agad ko namang ini-scan ang pages nung isa kong sketchbook pero wala dun.

Sunod naman sa isa pero wala rin dun.

Ini-scan ko rin iyong pang-pangatlo.

At agad naman akong napatigil nang may makita nga akong piraso ng papel.

'Voltaire Lyssandrei is the name Cresia. I hope you won't forget me.'

Napatitig naman ako sa page ng sketchbook ko kung saan may naka-sketch ng mukha ng isang batang lalaki.

Halos manlamig naman ako nang mapansin kong may kamukha ito.

Iyong prinsipe.

Labing-isang taong gulang ako nung mapunta ako sa puder nina Mama Cara.

Napaisip naman ako.

At nakalimutan ko rin naman ang mga alaala ko simula nung baby pa ako hanggang 10 years old.

So malaki ang tsansang nakasalamuha o nakilala ko na ang noon pa man ang Prinsipe kaya ganun na lang siya umasta.

Pero ba't ko naman siya nakalimutan?

Tinitingnan ko iyong mga na-sketch ko nang biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas.

Narinig ko pang napatili si Isa.

Isinara ko naman ang sketchbook ko at pumunta sa may bintana.

Parang may kakaiba yata ngayon.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now