Chapter 35

6.9K 266 8
                                    

Chapter 35

"Nako! Friday na, tinakbuhan ka na yata Raine."

Sabi ni Isa nang sumapit na ang Friday pero hindi pa rin bumabalik sa MEA si Andrei.

Umalis kasi siya noong Wednesday dahil may sasabihin raw ang magulang niya.

"Iyan kasi, sariling mate hindi alam kung kelan ang birthday."

Turan pa ni Zach kaya mas lalo akong napasimangot.

Ang sarap na talaga nilang ingudngod sa sahig.

Kanina pa sila ganyan.

Ansakit nila sa bangs.

"Bahala siya kung wala siyang planong bumalik. Like duh."

Sagot ko kaya napahalakhak sila.

Nawala rin si Olivia kaya mas lalo akong naba-bad trip.

Aba malay ko bang sumama pala ang bruha kay Andrei pabalik sa palasyo nila.

Never pa kaya akong nakapunta dun.

"Oo nga pala, pinapunta ka ng Mommy mo sa palasyo. May sasabihin yata eh."

Sabi ni Isa kaya napatango lang ako.

Kalaunan naman ay nagsibalikan na kami sa mga dorm namin kaya nagbihis na rin ako bago pumunta sa palasyo.

Ako lang mag-isa since hindi naman nila  trip na sumama.

Pagkarating ko ay agad ko namang nabungaran si Mommy na mukhang hinihintay ako.

"Anak!"

Aniya kaya napataas ang kilay ko.

"Mom! Bakit niyo nga pala ako pinapapunta rito?"

Tanong ko kaya napangiwi ako.

"Don't tell me hindi mo pa rin alam na birthday ni Voltaire ngayon?"

Sagot niya kaya napaismid ako.

"Alam ko na, pero ano namang meron dun?"

Ani ko.

"May salo-salo sa palasyo nila at pinapapapunta tayo ng magulang niya so I think kailangan mo nang mag-ayos. Ayaw mo naman sigurong magmukha ewan sa harap ng ibang bampira hindi ba?"

Sabi ni Mommy kaya napaawang ko naman ang mga labi ko.

Ba't ba hindi nila ako sinasabihan in advance?

Trip ba nila akong i-surprise palagi?

* - *

Kasalukuyan na kaming lulan ng carriage patungo sa palasyo nina Andrei.

Sila Mommy lang ang kasama ko, hindi na sumama sina Mama Kath.

Babalik na raw kasi sila sa palasyo ng Quezares.

Sa birthday ko na raw sila babalik.

I'm just wearing a white off-shoulder dress.

Na aabot sa tuhod.

Fitted ito sa upper part at lace ang tela.

See-through ito kaya kitang-kita ang black tube na suot-suot ko.

Pinaresan ko lang ito ng black na gladiator sandals.

May suot akong flower crown kaya nagmumukha akong diwata.

"Anong gift mo sa kanya, Vianca?"

Tanong ni Mommy kaya umiling ako.

"Secret"

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now