Chapter 28

7.1K 271 1
                                    

Chapter 28

Hindi ko na sinabi kina Isa ang nangyari.

Pero hindi ko maiwasang malungkot, ba't naman kailangan pang ihiwalay ang fairies sa gnomes at Pixies.

Napailing nalang tuloy ako.

"Woy! Anong problema mo?"

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Isa.

Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Isa papunta sa classroom namin.

"Wala, parang umiling lang problema na agad? Hindi ba pwedeng may iniisip lang?"

Sagot ko kaya napangiwi naman ito.

"Edi may iniisip kang problema!"

Turan niya kaya napaismid naman ako.

Pumasok nalang ako sa classroom at hindi ko alam pero may kakaiba sa tingin ng mga kaklase ko.

"Really? Ngayon ko nga lang rin nalaman!"

"Kaya pala parang may something sa kanya!"

"Oo nga, malandi rin naman pala."

Napakunot noo naman ako sa pinagsasabi nila.

Nagtinginan naman kami ni Isa.

Umupo naman ako sa upuan ko nang maramdaman kong may papabulusok sa gawi ko kaya agad ko naman itong pinatigil.

Tumayo naman ako saka tiningnan kung kanino ito galing.

"Anong problema mo?"

Tanong ko at nakita ko namang ngumisi ito.

"Ikaw, ikaw ang problema namin. Ikaw pala ang may gawa nun kay Olivia! Ang kapal ng mukha mo!"

Napatigil naman ako sa sinabi niya saka tumingin kay Isa.

Nagkibit balikat naman ito.

"Anong pinagsasabi mo?"

Tanong ko.

"At talagang ipagkakaila mo pa. You're the rumored mate ni Prince Voltaire! But sorry to burst your bubble, ang prinsesa ang mate ng Prinsipe! Olivia confirmed that!"

Napakuyom naman ako dahil sa sinabi niya.

Olivia confirmed what?

Na ang prinsesa ang mate ng Prinsipe?

"Ilang beses nang may nakakita sayong galing sa dorm ng prinsipe. So ano ang ginagawa mo dun? Nanlalandi?"

Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Pinipigilan ang sariling masaktan siya.

"Or maybe you're offering your blood to the prince?"

Dagdag niya kaya hindi ko na mapigilan ang sariling masampal siya.

"Maghinay-hinay ka sa pinagsasabi mo. Rumors are still rumors. Walang matinong basehan. And for the record, hindi ko nilalandi ang prinsipe niyo at wala akong pake kung ang prinsesa ang mate. Edi sila na."

Sagot ko kaya mas lalong dumilim ang ekspresyon nito.

Pero imbes na pahabain pa ang usapan ay umupo nalang ako saka hindi sila pinansin.

Nakita ko pang napangiwi si Isa nang bigla na lamang kumulog at kumidlat.

Bumuhos ang napakalakas na hangin at dumilim ang paligid.

At mukhang alam ng mga kaklase ko kung sino ang may gawa nito kaya nanahimik nalang sila at pinigilan na iyong isa naming kaklase.

Nakita ko namang nakatitig sa akin si Gary at Ian.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang