Chapter 33

7K 291 21
                                    

Chapter 33

Naalimpungatan naman ako mga madaling araw.

Napahikab pa ako at napangiwi nang makitang tulog na tulog si Andrei.

Pero kalaunan ay napangiti nalang rin ako at saka siya mabilisang hinalikan sa tungki ng ilong niya.

Dahan-dahan naman akong umalis sa kama saka nag-stretching.

Namamanhid kasi ang mga binti ko.

Papungas-pungas pa ako habang naglalakdad palabas ng kwarto nang makita ko ang magulang ni Andrei na nasa may veranda.

Napatigil tuloy ako.

Akala ko hindi nila ako napansin nang lumingon ang ina ni Andrei sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapalunok.

Dapat pala hindi nalang ako tumigil ano?

Ngumiti lang ako sa kanila saka bahagyang nag-bow.

Pero hindi pa rin nito inaalis ang titig sa akin kaya nanatili lang rin akong nakatayo roon.

Nakita ko namang napabuntong-hininga ito saka dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.

"Kanina ka pa namin hinihintay, can we talk?"

Ani ng Mommy ni Andrei kaya tumango naman ako.

Pumunta naman kami sa may sofa at doon naupo.

May nakita akong tatlong tasa, ang dalawa ay mukhang kape habang ang isa ay hot chocolate.

May cookies pa.

Mukhang alam yata nilang lalabas ako ngayon.

"Tungkol po saan ang pag-uusapan natin?"

Tanong ko at nakita ko namang mas lalong naging seryoso ang mga itsura nila.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan.

Pero nanatiling seryoso ang mukha ko at hindi pinahalatang kinakabahan ako.

"We don't like you for our son."

Sabi ng Daddy niya kaya napangiti ako.

Tumango naman ako kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

Eh sa alam ko naman talagang ayaw nila sa akin.

"We don't like you but we don't have a choice since buhay niya naman iyan. We don't have a say on who will be the one that he wants to marry."

Dagdag pa nito.

"We don't like you for him, but not my father, ang Lolo ni Voltaire."

Sabi naman ng Mommy niya.

"He cared and spoiled Voltaire. He loved him as much as he could na kahit anong hilingin niya ay ibibigay ni Papa. Have you ever wondered kung paano ka nakita at nakilala ni Voltaire?"

Napatitig lang ako sa kanila at hindi nagsalita.

Maybe they're trying to explain their side.

"He went hunting with his grand father in na forest near from the palace of Quezares na kung saan ay nandun rin kayo at that time. He was still a young boy back then and he saw you and then right there. He declared to himself that you're his mate."

"Kwento niya pa sa amin ay may nakita raw siyang napakagandang batang babae sa kagubatan. Naramdamanan niya raw ang puso niyang lumakas at bumilis ang tibok nang masilayan ka niyang tumatawa at ngumingiti."

"Walang planong magpakita o ibunyag man lang ni Papa ang existence naming bampira sa inyo but because of Voltaire he did that thing. At para makasiguro sayo, he asked the Royal Family's oracle and indeed, you're his mate."

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now