Chapter 19

8.6K 315 8
                                    

Chapter 19

Kasalukuyan na akong naglalakad patungong kagubatan.

Eh kasi ang mga kasama ko ay busy raw sa kani-kanilang buhay!
At since nabo-bored naman ako ay naisipan ko nalang na tumungo sa gubat kahit na ako lang mag-isa.

It's not like, mauulit ang nangyari nitong kamakailan lang ano.

Pinaghatian nalang rin namin ang mga ingredients na kakalainganin namin.

Dapat by Monday ay kompleto na ang ingredients para naman magawa na namin iyon potion.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng gubat nang may marinig akong kaluskos.

Kaya agad rin naman akong napatigil at naging mapagmatyag.

Aba!

Baka binalikan nga ako nung mga Lycan!

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiwi.

Hanggang sa may marinig ulit akong kaluskos at napansin kong galing ito sa may bushes ng mga halaman sa may gilid.

Dahan-dahan ko naman itong tinungo at muntikan na akong mapasigaw nang bumungad sa akin ang dalawang mala-crystal na mga mata!

Kyaaaah!

Papaanong nagkaroon ng baby dragon dito?

Napangiti naman ako ng kumurap-kurap ito.

Habang tumatagal ang pagkakatitig ko rito ay mas lalo itong nagiging pamilyar sa akin.

Hanggang sa maalala ko ang alagang dragon ng grandparents ko!

Si Reina at Roswell!

Mukhang baby nila ito!

Sila lang naman kasi ang dragon rito sa buong Fantasia!

Napatawa naman ako nang makita kong bahagya itong napasimangot.

"Hindi na kaya ako baby."

Napanganga naman ako nang marinig ko itong magsalita.

Oh my Gosh!

Nakakapagsalita pala ang mga dragons?

* - *

Nakasunod lang sa akin si Zein at pakanta-kanta pa ito.

Oo!

Zein ang pangalan niya and she's a girl!

Ang kyut niya talaga!

Hindi ko inaakalang makakasalamuha ako ng dragon!

At mas lalong hindi ko inaakalang nakakapagsalita pala ito.

Nakumpirma ko ngang anak ito ng dragon na alaga ng grandparents ko.

Nakita raw kasi ni Mommy ang pangyayaring 'to, iyong pupunta ako sa gubat mag-isa kaya ipinadala niya nalang si Zein para may makasama ako.

Pagkarating namin sa ilog ay agad naman akong may nakitang Pixie.

Pero paano ko naman sasabihin na manghihingi ako ng Pixie dust?

Eh kay Mommy nalang kaya ako magsabi tutal may kakilala rin naman siya.

Aish! Bahala na nga lang.

"Excuse me!"

"Naiintidahan kaya nila ako?"

Bulong ko sa sarili pero sumagot si Zein.

"Oo, Reyna kaya ng Fairies ang Lola mo, kumbaga may lahing Fairy ka rin!"

Napakamot nalang ako sa ulo saka nagsalita ulit.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon