Chapter 3

10.6K 434 78
                                    

Chapter 3

Nakita ko namang napakurap-kurap si Isa saka nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Oh My God! Ang gwapo niya talaga!"

Sabi niya sa akin at kulang nalang ay kumorteng puso ang mga mata niya. Nababaliw na yata ang isang 'to.

"Do you know who he is, friendship?"

Wala sa sarili naman akong umiling.

Eh sa hindi ko naman talag siya kilala, except for the fact that he keeps on calling me Cresia.

"He's the most handsome and mighty prince of the vampires! Prince Voltaire Lyssandrei De Lacares."

Sabi niya kaya napanganga ako.

'Why does Voltaire Lyssandrei sounds familiar?'

"Kita mo ba iyon friend, ngumisi siya sa gawi natin! Kyaaaaaah! Sign na ba iyon?"

Napailing naman ako sa pinagsasabi ni Isa.

"Manahimik ka na nga lang diyan. Sign ka diyan. Sign iyon na malapit ka nang mabaliw."

Sabi ko saka tumayo.

Inismiran niya naman ako.

"Ang KJ mo talaga! Minsan na nga lang tayo makakita ng ganun ang kill joy mo pa. Tatanda kang dalaga niyan uy!"

Inirapan ko naman siya.

"Whatever. Mas mabuting unahin ko nalang ang pag-aaral kaysa sa mga ganyan."

Sambit ko kaya napangiwi ito.

"Wala ka na talagang pag-asa. Sayang ang ganda mo teh."

Binatukan ko naman siya.

"Manahimik ka na nga lang. Ang sakit mo sa ulo. Parang wala yatang araw na hindi mo masasambit ang salitang gwapo. Jusko. Hinay-hinay lang tayo ano? Saka h'wag tayong mag-assume agad-agad, that's not good for the heart."

Sabi ko saka nagpatiuna sa paglalakad.

"Hay! Oo na po, Lola Raine. Nakakahiya naman po kasi sa inyo."

Binatukan ko naman uli siya.

Magsasalita pa sana siya nang taasan ko na siya ng kilay.

Ilang minuto pang paglalakad nang marating na namin ang classroom namin.

Ang first subject namin ay History.

Pagkapasok naman namin sa classroom ay agad kong inilibot ang aking paningin.

Sa may harap nalang ang may vacant.

Kainis, mas gusto ko pa naman sa may likuran.

Umupo naman ako sa upuang katabi lang ng bintana.

'Ano naman kaya ang gagawin namin ngayon? Magdi-discuss na kaya ang Prof?'

Napatingin naman ako sa may pintuan nang pumasok na yata ang magiging Prof namin.

Well, she looks so girly yet pretty.

"Good Morning everyone! I'm Professor Pepper Azaleah Cruz, your History Professor."

Masiglang bati nito sa amin.

Binati naman namin siya pabalik kaya mas lalong napangiti ito.

Wew! Ang weird niya ah.

Napalingon naman ako kay Isa na sobra kong makatingin sa Professor.

"And if you thought that I won't be discussing a lesson today because it's your FIRST DAY, well you're wrong!"

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now