Chapter 21

8.5K 301 1
                                    

Chapter 21

Nag-teleport lang ako papunta sa dorm ni Andrei since wala naman akong choice kundi ang magpasama sa kanya.

Medyo nagtaka pa ako nang mapansin kong wala ito dorm.

Ang tahimik kasi.

"Lyssandrei?"

Tawag ko pa pero wala yata talaga siya.

Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon?

"Lyssandrei?"

Ani ko pa ulit at napaigtad nalang ako sa gulat nang bumukas ang isang pintuan at bumungad sa akin si Andrei na naka-topless.

Basa pa ang buhok nito.

At nakatapis lang ng tuwalya.

Napasinghap nalang ako saka dali-daling tumingin sa mukha niya.

Malayo sa temptasyon.

Nakita ko namang napangisi ito dahil sa reaction kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiwi.

'Mag-fefeeling na naman ang isang 'to. '

"Busy ka?"

Muntikan pa akong mautal kaya naipikit ko nalang ng mariin ang mga mata ko.

Jusme naman, Lorraine.

Umayos ka.

"Hindi naman, bakit?"

Sagot nito saka dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.

Namukha tuloy itong nasa-fashion show at kasalukuyang nasa runway.

Bw*set!

Ang gwapo talaga ng isang 'to!

Napaatras naman ako nalang ako saka sumagot.

"Magpapasama sana ako papunta sa palasyo. Gusto ko kasing makausap sina Mommy."

Nakita ko namang napatango ito pero hindi pa rin inilalayo ang katawan niya sa akin kaya bahagya ko siyang itinulak.

"Lumalayo-layo ka nga. Nababasa mo 'ko."

Sabi ko kaya napaatras naman ito.

"Sorry."

Sagot nito saka umatras.

Napabuga nalang tuloy ako ng hangin.

Ba't feeling ko biglang uminit?

Ilang minuto lang kaming nagtitigan sa isa't isa bago ko pa maisipang magsalita.

"Ah, wala ka bang planong magbihis? The time is ticking Andrei."

Ani ko pero ngumisi lang ito.

"Nah, I'm enjoying staring in that face of yours."

Sagot niya kaya napa-irap ako.

"Magbihis ka na."

Sabi ko ulit pero ngumisi lang ito.

"What if I won't?"

Turan nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Edi h'wag! Iiwan nalang kita! Parang nagpapasama lang."

Inis na sabi ko saka nagsimulang tumalikod pero bigla niya nalang hinigit ang kamay ko.

"Ito naman, hindi mabiro. Parang nag-eenjoy pa kong titigan ka habang naglalaway sa katawan ko eh."

Natatawang ani nito kaya napasinghap ako.

Susuntukin ko na sana siya pero nakapag-teleport na siya!

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon