KABANATA 1

406 95 15
                                    

Dedicated to PornHero
Enjoy reading!💛

Sunshine's POV

Alas-sais na ng gabi ako nakadating sa harap ng Infinity Bar sakay ng taxi.
Alam kong sikat ang bar na ito dahil
maraming artista at dayuhan daw pumupunta dito pero sa katunayan ay hindi pa talaga ako nakakapasok
sa mga ganitong klasing lugar sa TV ko lang 'to nakikita pero ngayon nasa
tapat na mismo ako ng isang bar.

Matapos akong magbayad kay Manong driver ay lumabas na ako sa taxi dala ang presko at napakagandang bouquet ng pulang
rosas na ipinapadeliver dito ng lalaking bumili kanina sa flower shop ko.Naguguluhan ako kung bakit
ngayon pa gusto ipadeliver eh gabi na
pwede naman sanang kanina na lang.

Naglakad na ako papasok sa bar ng hinarangan ako ng dalawang lalaki
na nakakatakot dahil sa laki ng mga katawan at kayang-kayang baliin ang
mga buto ko sa katawan.

"Ahm...mga Kuya! May nagpapadeliver po kasi nitong bouquet ng pulang rosas dito na binili
pa sa flower shop ko.Pwede po bang
pumasok?" sabi ko sa kanila at naiilang na ngumiti.

Wala silang isinagot kundi tiningnan
lang nila ako mula ulo hanggang paa.
Tiningnan ko rin ang sarili ko.

Yellow style crop top,fitted jeans,and a black fila shoes is what I'm wearing right now.

Wala naman sigurong mali sa suot ko, diba?At saka hindi naman ako magsasayaw o iinom sa loob noh.
Kung hindi lang 'to binayaran kanina
ng lalaking iyon ang mga rosas na 'to nako kanina pa sana ako nakauwi.

Hindi na nakasama sa'kin si Ferida kasi maagang umalis.May date daw kasi sila ni Joser ngayon,iyong Engineer niyang nobyo. Hays,ang swerte talaga ng babaeng 'yon.

"Okay so kung hindi niyo ako papapasukin,pakibigay na lang itong mga rosas kay..." Ano nga ulit pangalan ng lalaking 'yon?

Bibo? Abo? Ibo? O baka naman Bobo?
Ano ba kasi 'yon?

"Ah basta pakibigay sa lalaking may 'Bo' sa huli ng pangalan.Uuwi na lang ako." sabi ko na lang at ibibigay na sana ang bouquet of roses ng mahagip ko ang pamilyar na mukha
ng lalaking 'yon.Nakapamulsang naglakad ito papunta sa entrance ng bar kung nasaan ako.Para itong nerd na estudyante dahil sa eyeglasses na suot.Tinawag ko naman siya.

"Uy,Bobo!Nandito na bouquet of roses mo!Oh!" tawag ko sa kanya bahagya
namang kumunot ang noo ng lalaki ng makalapit na ito sa'kin.

"Don't call me like that.It's Yibo,not Bobo." malamig pa sa yelo na sabi nito sa'kin.

Yibo pala yun!

"Want me to spell it out to you?Hmm?" tanong nito sa'kin.

"Uy,hala hindi na noh.Anong akala mo sa'kin boba?Ito oh nandito na mga rosas mo." wika ko at ibinigay sa kanya yung bouquet.Tinanggap naman niya at aalis na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Ano na naman?Kita mo na gabi na oh,uuwi na ako." sabi ko sa kanya at pinaalis ang kamay niyang nakahawak sa siko ko.

"Wait,I'll call my boss." sabi ni Yibo at inilabas ang iPhone nito sa bulsa at tinawagan ang boss niya kuno. Nasisiguro ko na latest iPhone iyon dahil na rin sa tatlo ang camera nito sa likod.Ibinagay naman niya sa'kin ulit iyong bouquet ng rosas para ako muna ang humawak nito.

Sana all iPhone! Sa'kin kasi Cherry Mobile lang butod pa yung battery.

"Hello,Boss.You're bouquet of roses has delivered.Yes...Okay,Boss.Bye." nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya hanggang sa pinatay niya na pala ang tawag at binalingan ako sabay hawak sa siko ko at hinila papasok sa Infinity Bar.

"Hoy,Yibo! Saan mo ba ako dadalhin.
Kung makahila ka sa siko ko,feeling close ka.Alam mo ba 'yon?!" Naiinis kong sabi sa kanya at nagpatuloy pa
rin siya sa paghila sa'kin.

Pagkapasok pa lang sa bar ay neon lights agad ang bumungad sa amin na sakit sa mata tingnan.Idadag pa ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak na kay baho sa ilong.Tapos sa dami ng taong nagsasayawan sa dancefloor.May iba nakaupo lang,chill tapos tamang inom lang ng alak.

"Kung makatawag ka sa pangalan ko akala mo naman close tayo.Alam mo rin ba 'yon?" panggagaya nito sa'kin.Inirapan ko na lang siya at umakyat kami sa hagdanan.Hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta basta ang alam ko lang ay yumuko habang maingat na dala-dala ang mga rosas.Iniiwasan ko na masamid ng tao baka mahulog ang mga petals at baka hindi ko pa man
naibibigay 'to sa may-ari eh kalbo na.

Huwag naman sana.

At sa wakas,huminto na rin kami sa
harap ng pinto na may nakalagay pa
na 'VIP Room'.

"Anong ginagawa natin dito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Kumatok ka na lang ang dami mong kuda.Pagkatapos ibigay mo kay Boss Folk iyang mga rosas sa kanya talaga 'yan." pagpapaliwanag ni Yibo sa'kin.

"Fuck?!" gulat kong tanong sa kanya.
Ang bastos naman ng pangalan ng Boss niya.

"It's Folk as in F.O.L.K! Gets?" may bahid ng inis sa boses nito.Tumango lang ako.

Folk? Bakit napakapamilyar ng pangalan na 'yon? Saan ko nga ulit narinig 'yon?

Kumatok na ako sa pinto at nasa likuran ko lang si Yibo nakahalukipkip ang mga braso.

"Come in." sabi ng boses lalaki mula sa loob.Itinulak ko naman pabukas
ang pintuan and my eyes widened when I saw four handsome men inside.

"F BOYS?!" malakas na tanong ko bago ako nawalan ng malay pero bago pa mauntog ang ulo ko sa sahig ay naramdaman ko nang may braso na agad na sumalo sa'kin.

°°°

A/N: Sino sa tingin niyo?🐼

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now