KABANATA 23

76 18 14
                                    

Dedicated to Rosenbloom1995
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Natulos kami sa kinatatayuan at parehong nakatingin sa mga taong nasa harapan.Malalaking mata at nakakangangang nakatingin ang mga
ito sa kanila na para bang mga multo sila na bigla na lang sumulpot.

Unang nakabawi si Lola Neth na nasa kusina at may hawak na spatula.
Katabi nito si Mama na may hawak din na spatula sa kamay.Lumapit sa
amin si Lola Neth at hindi makapaniwalang hinawakan ang
kamay namin.

"Hala uy! Naa na gyuy uyab akoa apo! Dali sa kusina,mangaon
kamo.Daghan koy giluto na pagkaon."
Hala! May nobyo na talaga ang apo ko! Hali kayo sa kusina,kumain kayo.Marami akong niluto na pagkain.Masayang sabi ni Lola Neth at hinila kami papuntang kusina.
Nagulat kami dahil ang kaninang nag-iinoman ay ngayon ay nasa sala na at hindi pa din makapaniwalang nakatingin sa amin.Tahimik ang buong bahay maliban kay Lola Neth na masayang nakikipag-usap sa amin.

Nakalimutan kong magmano kay Lola!

" 'La,mano po ako." sabi ko at nagmano sa kaniya.Nilingon ko ang katabi ko na nakatingin pa din sa akin.

"Ahm...mano po ako, 'La." sabi nito kay Lola Neth na ikinangiti ko.Hindi ko akalain na ang napakagalang pala nito.Nakipagmano ito kay Lola.

"Aba'y ikaw hijo,alagaan mo itong si Sunshine namin.Huwag mo itong sasaktan.Napakaswerte mo dahil ikaw ang naging nobyo niya.Akalain mo wala pa itong dinalang lalaki dito sa amin at ikaw pa lang!" Galak na sabi ni Lola at bumalik ito sa kusina.

"Tagai ko ug spaghetti,menudo, adobong baboy,ug letchong baboy,Nalou.Pakaonon nato atoa bisita labi na kay naa ang uyab ni Sunshine!" Bigyan mo ako ng spaghetti,menudo,adobong baboy at. letchong baboy,Nalou.Papakainin natin ang nobyo ni Sunshine! Rinig pa nilang sabi ni Lola sa Mama niya.Ipinalibot niya ang paningin at tumayo siya para sana puntahan ang Lolo Rufil na masayang nakikipagkwentuhan sa Papa niya,kay Kuya Chard at sa kaibigan nito na asawa ng pinsan niyang si Kizsha.

"Where are you going?" tanong ni Faron sa kaniya.

Hindi ko talaga akalain na mapapagkamalan ni Lola Neth na nobyo ko ang isang sikat na artista.
Kung sabagay,wala namang alam si Lola Neth sa kay Faron Nattapol dahil na din siguro sa hindi ito mahilig manood ng TV at palagi itong nasa letchonan nila na nasa gilid lang ng bahay nila.

"Pupuntahan ko lang si Lolo." sabi ko at iniwan muna siya sa hapag at nilapitan sina Lolo.

" 'Lo,mano po." sabi ko at nagmano
sa kaniya.Nilingon ako ni Kuya Chard matapos tunggain ang isang baso ng Tanduay.

" Apo,kumusta? Maayo nakabisita mo." Apo,kumusta? Mabuti at nakabisita kayo.Wika ni Lolo Rufil.

" Syempre naman, 'Lo!
Gusto ko ulit matikman ang luto ni Lola." ngiting aso kong sabi bago nilingon si Kuya Chard na nakatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

'Ano?' I mouthed.

Kumunot ang noo nito at umiling.

"Tita Mommy!"

"Mammie Ganda!"

" Mama Sunsun!"

Nilingon niya ang tatlong bulilit na madudungis ang mukha dahil sa kinain na cake.Nag-uunahang tumakbo ito papunta sa gawi niya at sabay-sabay na yumakap sa kaniya.

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now