KABANATA 11

198 48 10
                                    

Dedicated to moodyrossy
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Halos tatlong Linggo na mula noong inihatid ako ni Aron sa bahay.Hanggang ngayon kasi ay ni anino niya ay hindi ko na makita. Ewan ko ba pero namimiss ko yung pangungulit niya sa'kin at sa mga simple niyang gestures na nagpapatibok ng aking puso.

Alam kong hindi dapat ako nakakaramdam ng ganoon sa isang taong bigla-bigla ko na lang makikilala kahit nga mata nito ay hindi ko pa nakikita.Sayang hindi pa
naman sana ako tatanggi sa una niyang kahilingan.Gusto ko na talaga siyang makilala ng lubusan at makita na sa wakas ang kabuoan ng mukha nito kaso bigla na lang itong hindi nagpakita.

Ano kayang nangyari sa kaniya?

"Shine? Shine? Hoy Shine!" Nagbalik sa  reyalidad ang pag-iisip ko ng marinig ang boses ni Ferida na kanina pa pala sa harapan ko.

"Ahm...yes? May sinasabi ka,Ferida?"

Kumunot ang noo nito at nagtaas ng kilay bago ito nagsalita.

"Ay wala naman,Shine.Wala talaga kanina pa." sarcastic na aniya.

"Ano nga? Sabihin mo na." natatawang wika ko.

"Alam mo ikaw..." tinuro niya ako."Kanina ka pa nakatulala diyan na para bang may malalim na iniisip.Sino naman ang laman ng isip mo?" usyoso nito sa'kin na ikinatawa ko.

"Honestly Ferida,naaalala mo pa iyong lalaking estranghero na naikuwento ko sayo?"

"Oo,naaalala ko pa.Bakit? Anong meron? May ginawa ba siyang masama sayo?" pag-aalala nito.

"Wala naman siyang ginawang masama sa katunayan nga ay inihatid niya ako noong nakaraang Linggo sa amin." sabi ko.

"Ow!Ang sweet naman pala ng lalaking 'yon." masayang wika ni Ferida.

"Oo nga eh pero mula no'n hindi na siya nagpakita." malungkot na sabi ko.

"Baka may trabaho lang,kung makapag-aalala ka naman parang nobyo mo siya." ani Ferida.

"Ganun na nga eh,ewan ko ba siya na lang palagi laman ng isipan ko."

"Ay Shine,nako hindi na 'yan normal.Magpakonsulta ka na sa Doktor." Biro ni Ferida at nagpatuloy na sa ginagawa nito.

"Itong tabachoy na 'to porket nagkanobyo lang ng Engineer eh
kay haba na ng hair." natatawang ani ko.Hanggang balikat lang talaga ang kulot na buhok nito.

"Maghanap kana kasi ng boylet mo."

"Alam mo Ferida,hindi 'yan hinahanap kusa 'yang darating." sagot ko.

"Aba'y kung ganoon eh dumating na nga yung si ano,ano nga pangalan niya?" tukoy nito kay Aron.

"Aron."

"Oo! Si Aron!" galak pa na sabi nito.

"Hindi ko siya boylet." gagad ko sa sinabi niya.

"Ay okay.Sige sabi mo." sabi na lang nito at lumabas para linisin ang glass wall.

Sana magparamdam na ang lalaking 'yon.

Faron's POV

Almost 3 weeks na rin since dumating kami dito sa Canada for our shooting sa huling episodes ng aming pelikula.
Sa loob ng halos tatlong Linggo ay hindi ko na bisita si Sunshine at hindi ko rin siya na text man lang dahil wala pa akong phone number niya but my hired private investigator just gave me her whereabouts kaya naman na nalaman ko na rin ang contact number niya.

Wala pa akong lakas ng loob na tawagan o e-text man lang siya siguro mamaya na lang.

"Pre,you okay?" tanong sa akin ni Fighter na kanina lang ay kausap si Fujio.

"Sabaaidii" I'm fine.I answered.

Tapos na ang aming pelikula at nakahanda na itong ipalabas next month.Bukas naman ay ang nakatakda naming lipad pauwi sa Pilipinas.

Nasa sikat at mamahalin na Hotel and Restaurant kami dito sa Canada nakacheck-in.Kasama ang lahat ng staff na bumubuo sa pelikula ay masayang kumakain sa magarbong mesa na hugis parihaba at punong-puno ng klase-klaseng masasarap na pagkain para ipagdiwang ang pagtatapos ng shooting at ang ika-26 na kaarawan ni Folk.Katabi ko ng upo si Fighter sa kanan ko na katabi rin si Fujio.Sa kaliwang bahagi ko naman ay si Folk na masayang nakikipag-usap.

"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa phone mo?" He said and looked at my phone.

"I just check the time." sabi ko at tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagkain.Ako naman ay tiningnan muli ang phone ko at halos pasado alas-diyes na pala.

"Ladies and gentlemen,let's all toast for the successful shooting and also to our birthday boy,Folk!" Lester said raising his glass of wine.

"Cheers!" chorus na sabi namin at itinaas ang hawak naming baso ng alak.Pagkatapos ay kinantahan namin siya ng Happy Birthday na pinangunahan pa ni Roselle na may hawak ng hugis puso na cake.Nagpasalamat naman si Folk sa lahat lalo na kay Roselle na siyang bumili ng cake para kay Folk.

"Blow the candle,birthday boy." malambing na sabi ni Roselle kay Folk na ngayon ay naluluha na.

After Folk blow the candle we give him around of applause.
Nagkaroon din ng sayawan at kantahan na ikinatuwa ng lahat.

"Restroom muna ako,mga pre." tapik ko sa kanila bago nagtungo sa pinakamalapit na banyo.

Pagpasok ko kaagad akong naghugas ng kamay at naghilamos bago ko napagpasiyahan na tawagan si Sunshine.Alam ko namang umaga na sa kanila.Nakailang ring din bago nito sagutin ang tawag.

[ "H-hello..." ] rinig kong sagot sa kabilang linya.

Shia! How I miss her voice!

"Hey."

Sandaling natahimik sa kabilang linya.

["Aron? Ikaw ba 'to?"] she asked.

"Yeah,it's me.How are you?" I asked her in a baritone voice.

Sanay na akong paibahin ang boses ko minsan gumagamit ako ng voice changer kaya naman talagang hindi niya ako makikilala bilang si Faron Nattapol kundi bilang si Aron na nakatago sa balot na balot na kasuotan.Hindi ko talaga gustong magpakilala sa kanya bilang Aron na palaging nakadisguise clothes.Gusto kong makilala niya ako bilang ako,bilang si Faron Nattapol ang kaso masyado pang komplikado ang sitwasyon lalo na na nasa mundo ako ng pag-aartista.Maraming paparazzi na nagkalat at mga media na nagkakalat ng balita tungkol sa amin at ayokong madamay si Sunshine sa buhay na kinalakihan ko na.

[ "I-ito ilang araw ng hindi makatulog kakaisip sayo mula ng i-iwanan mo 'ko."]

Nagulat ako sa naging sagot niya.Wala naman akong balak na iwanan siya.May trabaho lang talaga ako.

"Khot hort." I'm sorry.

[ "Anong sabi mo? Hindi ko maintindihan eh."]

"I said I'm sorry."

[ "Naku ayos lang,sana'y na akong iwan ng walang paalam."] Natatawang sabi sa kabilang linya.

"May importanteng trabaho lang akong ginawa." sabi ko.

[" Ganun ba,yung tungkol pala sa...first wish mo...."] pambibitin nito sa sasabihin.

First wish? Oh! Yung supposed to be date namin! Akala ko nakalimutan niya na.

"What about it?" I asked her.

["Yes!"] she exclaimed.

°°°

•|| Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots 💛 ||

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now