KABANATA 4

273 72 10
                                    

Dedicated to -serendipxty-
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

"Oh,ba't ngayon ka lang bata ka?
Bakit hindi ka nakauwi kagabi?Alam mo ba kung gaano kami nag-aalala sayo?!" bungad ni Mama sa'kin ng mapagbuksan niya ako ng pinto.

"Oo nga, 'nak.Saan ka ba galing?
Hindi nga yata nakatulog ng maayos yung Kuya Chard mo sa kakahintay sayo na umuwi." sabi ni Papa na nakaupo sa may sofa namin.

Nalungkot naman ako nang marinig ang sinabi nila dahil sa'kin pinag-alala ko sila lalo na si Kuya Chard na napuyat ata kakahintay sa'kin.

"Ahm...pasensya na po Mama,Papa.Hindi na po mauulit,promise." sabi ko sa kanila at itinaas ko pa ang kanan kong kamay para maipakita na seryoso ako sa sinasabi ko.

"Oh sige na,kumain kana ba?" tanong ni Mama.

"Hindi pa po eh." natatawa kong sabi sa kanila.

"Ganun ba,oh sige ganito...maligo ka muna doon tapos pagkababa mo eh nakahanda na ang pagkain mo." wika ni Mama at nginitian ako.

"Okay po,Mama." sabi ko naman at hinalikan siya sa pisngi bago ako umakyat papunta sa silid ko.

Linggo ngayon kaya malaya akong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin.Every Saturday and Sunday ay hindi kami nagbubukas sa flower shop na pag-aari ko.Rest days kung baga.

Halos ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo namin bago ako nakapagbihis ng dilaw na t-shirt at maong na shorts.Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina kung saan naabutan ko si Mama na inilalapag ang masarap na menudo at kanin sa mesa.

"Halika na,maupo ka at kumain.Alam kong paborito mo 'tong ulam.Nagluto kasi ako kagabi nito dahil bumisita si Vivian dito.Isinama siya ng Kuya mo dito galing sa trabaho.Hinahanap ka nga no'n eh.Miss ka na raw niya." masayang chika ni Mama sa'kin habang sinasalinan niya ako ng tubig sa isang baso.

Si Vivian ay kaibigan at katrabaho ng Kuya Chard ko.Pareho silang pulis.Magkasing edad lang kami ni Vivian at naging matalik ko na rin siyang kaibigan.

"Ay sayang hindi ko siya naabutan."
malungkot kong sabi.

"Saan ka ba kasi galing at hindi ka nakauwi kagabi?" usisa ni Mama sa'kin.

"Diyan lang sa tabi-tabi." sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Ay ewan ko sayong bata ka!
Kumain kana nga lang dyan at pagkatapos eh hugasan mo iyang pinagkainan mo,ha?"

"Ha,How you like that."

"Anong 'Ha,How you like that?!" Nakakunot ang noong tanong ni Mama.

"Title po yan ng bagong mv ng Blackpink,Ma."natatawa kong sagot.

"Puro ka Blackpink,kumain kana lang dyan.Itong batang 'to." Naiiling na sabi ni Mama bago ako iniwan sa kusina at nagtungo ito sa sala kung saan nanonood ng palabas si Papa.

Pagkatapos kong kumain eh hinugasan ko muna ang pinagkainan ko gaya ng sabi ni Mama bago ako nagtungo sa silid ko at inilagay ang mga damit ko na labahin sa isang malinis na palanggana.

Napagpasyahan ko kasi na manglaba muna ako bago ako pumunta ng mall.
Lumabas na ako dala-dala ang palangganang puno ng labahing damit ko at nagtungo ako sa likod ng bahay namin kung saan naroon ang nag-iisa naming gripo.May washing machine naman kami pero ewan ko ba mas gusto ko pa rin kasing maglaba gamit ang mga kamay.

Ilang oras din ang nakalipas bago ako natapos maglaba at agad ko naman itong isinapay sa sampayan lalo na eh matindi ang sikat ng araw kaya sigurado akong madali lang itong matutuyo.

Umakyat ulit ako sa silid ko at nagbihis ng bagong damit na susuotin ko papuntang mall.Plano ko kasing maggrocery at mamamalengke na rin ako.Isang simpleng dilaw na long sleeve off shoulder top at jeans lang ang isinuot ko.Isang simpleng cone heel naman ang suot ko sa paa.
Naglagay ako ng kunting pulbo at liptint sa labi ko at saka hinayaan ko na lang ang curly ginger hair na nakalugay bago ako bumaba para makapagpaalam na.

"Kaninong anak 'to? Bakit napakaganda naman ata?" natatawang sabi ni Papa pagkababa ko.

"Ano ka ba Papa?! Ako lang 'to,si Sunshine yung anak niyo." sagot ko naman at pareho kaming natawa.

"May lakad ka, 'nak?" tanong ni Mama.

"Ay opo,Ma.Bibili lang ako ng stocks para sa'tin.Ubos na kasi yung laman ng ref eh."

"Ay ganun ba.May pera ka pa ba?
May pera pa naman ako,yun na lang gamitin mo, 'nak."

" 'Wag na po,Ma.Kayang-kaya pa po ng pera ko.Sa inyo na po yan.Gamitin niyo po yan para sa gamot niyo."

May sakit kasi si Mama, arthritis.
Kaya naman palagi ko syang sinusupportahan sa gamot niya at pagpapacheck-up niya sa doctor.Wala naman sigurong anak na gugustuhing magkasakit ang mga magulang nila.

"Maayos na ako, 'nak.Hindi na masyadong sumasakit paa ko sa tulong ng gamot na iniinom ko."

"Mabuti naman po.Aalis na po ako,Ma,Pa." sabi ko at nagmano na sa kanila.

"Mag-ingat ka." paalala ni Mama at lumabas na ako at nagpara nang taxi papunta sa V² Mall,isa sa pinakamalaki at pinakamalapit na mall sa lugar namin.

°°°

||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots💛||

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now