KABANATA 28

65 15 2
                                    

Dedicated to kheinetic
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Madilim na ang gabi ng napagpasyahan nilang magstay muna sa isang condo. Madami silang napuntahang sikat na pasyalan dito sa Cebu.Pumasok sila sa Sto.Niño Church,pumunta sila sa Fort San Pedro,bumili sila ng dried mangos para pasalubong,pinasyalan din nila ang sikat na 1O,OOO roses at Sirao Flower Garden kung saan popular ang magaganda at makukulay na iba't ibang bulaklak.

"Grabe nakakapagod." sabi niya at padaskol na umupo sa sofa.

Simple lang ang condo na pinili ni Faron.Sabi pa nito bukas na lang sila luluwas ng Manila dahil bukas din daw ang schedule na aattend siya sa isang celebrity show kasama ang ibang myembro ng F boys.Tiyak na dudumugin ng mga tagahanga nila doon sa nasabing event.Sayang nga lang dahil hindi siya makakapunta.
Kailangan kasi siya ng flower shop niya.Sa TV na lamang siya manonood.

"Let's eat."

Napaayos siya ng upo ng marinig ang boses ni Faron.Galing ito sa labas at ngayon ay may hawak na dalawang cellophane.May nakalagay pa na Jollibee logo.Hindi naman siya bobo para hindi malaman na pagkain 'yon.

"I ordered Jollibee foods for us." sabi nito at inilagay ang mga 'yon sa center table.Nanubig ang kanyang bagang ng makita ang mga pagkain
na nasa harapan niya.

May bucket of crispy fried chickens, burger steak,jolly spaghetti,shanghai lumpia, yum burger and sundae.

"Wow! Ang dami naman nito!" Mangha niyang sabi.

"Sinadya ko talaga 'yan para masiguradong mabubusog ka."
Nakangiti nitong sabi.

Asikasong-asikaso siya nito.Nilagyan nito ng kanin ang pinggan niya at ito pa mismo ang pumili ng fried chicken sa kaniya.

"S-salamat."

"Kumain kana baka ikaw ang kakainin ko dyan." Hindi niya narinig ang huling sinabi nito.

Matapos kumain ay naisipan niyang manghugas ng pinagkainan nila ngunit hindi siya pinayagan ni Faron at ito na mismo ang gumawa.Wala naman siyang nagawa kundi ang manood na lang ng TV.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang headline ng showbiz balita.

Famous actor Faron Nattapol reportedly dating her non-showbiz girlfriend after their concert in Cebu.

Napatakip siya ng bibig at kaagad na pinatay ang TV.Sigurado siyang siya ang babae na 'yon.Base sa picture na nakita niya na paniguradong kuha iyon ng paparazzi ay nakaakbay sa kaniya si Faron at pareho silang nakasuot ng itim na face mask na ipinagpasalamat niya.

Problemado niyang ginulo ang buhok at nahinto lamang ng makita ang isang pares ng paa na huminto sa harapan niya.Napaangat siya ng tingin.

"You okay?" tanong nito at kinuha ang remote na nakalapag sa center table.
Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na inagaw mula dito ang remote.
Nagulat naman ito sa ginawa niya.

"What are you doing?" Taka nitong tanong sa kaniya.

Pinagana niya ang utak at nag-isip ng pwedeng alibi dito.

"Ahm...m-may butiki! Oo may butiki!"
sabi niya at kumunot naman ang noo nito.

"G-gagamitin ko lang...pamalo! Oo pamalo nga!"

Tumaas ang kaliwa nitong kilay.

"What the heck are you talking about?
Walang butiki dito."

"Meron! N-nakita ko!" Depensa niya.

Nakataas pa din ang makapal nitong kilay sa kaniya.

"You're not a good liar."

Kinabahan siya sa sinabi nito at akmang babawiin na nito ang remote na hawak niya ng bigla na lang tumunog ang cellphone nito.

Kaagad naman nitong kinuha sa bulsa ng plain short nito ang cellphone na hindi man lang tinatanggal ang paningin sa kaniya.
Kapagkuwan ay tiningnan nito ang caller at sinagot ang tawag.

"Hey." Dinig niyang sabi nito sa kabilang linya.

"What? Really?" tanong pa nito.
Medyo kinakabahan na siya sa kaniyang kinauupuan.

"Okay,thanks." sabi nito at pinatay ang tawag.Tiningnan siya nito ng matiim at mabilis na inagaw sa kaniya ang remote.Ini-on nito ang TV at napahinto ng makita na sila ang nasa balita.

Nagulat siya ng bigla na lang itong tumawa.Sapo pa nito ang tiyan.

"Non-showbiz girlfriend? Really? What the! Kailan pa ako nagkaroon ng jowa?!"

Lumingon ito sa kaniya at nginitian pa siya.

"Hindi ka g-galit?"

"Why would I?"

"K-kasi akala nila may g-girlfriend kana."

Tumawa ito.

"Ayaw mo no'n?" Natatawa nitong tanong sa'kin.

"Joker ka ba?"

"Hindi pero handa akong maging joker,mapatawa ka lang."

"Seryoso nga?" Naiinis niyang tanong.

Sumeryoso ang mukha nito at lumuhod ang isang tuhod sa harapan niya.Napasinghap siya sa ginawa nito.

"Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga dyan!" Utos niya pero hindi ito natinag.

"Can you be my non-showbiz girlfriend for real?"

Natamimi siya doon at hindi makasagot sa tanong nito.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots💛||•

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now