KABANATA 15

190 41 24
                                    

Dedicated to alcymaxy
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Nakakapagtaka na walang kahit na sinong costumers na kumakain pagpasok palang namin sa resto ng hotel.

"Bakit wala kayong costumers?"
tanong ko kay Angel.Lumingon naman ito sa'kin.

"The whole restaurant was reserved and exclusively for the both of you,Madame." Napanganga ako sa sagot ni Angel.Ibig-sabihin binayaran niya ang buong resto para lamang sa kanilang dalawa! Pinaghandaan niya talaga 'to.

Taas noo akong naglakad at nahinto lang ako ng makatapak ako ng kung ano.Yumuko naman ako para tingnan kung ano ang natapakan ko.Sumikdo ang puso ko ng makatapak ako ng maraming petals ng Sunflower.

Sino naman kaya ang may gawa nito?
Naku! Sayang naman ang mga petals.
Sinundan ko na lang ang mga nagkalat na petals at dinala ako sa ikalawang palapag ng resto.

May nagkalat pa rin na mga petals ng Sunflower.Nagpatuloy ako sa paglakad at huminto lamang ng makita ang pandalawahang mesa na nasa hindi
kalayuan.May magandang  chandelier sa itaas ng bahagi na nagsisilbing ilaw.

"Sunshine." tawag sa kanya ni Aron na nakatalikod sa kanya.

Ang gwapo nito kahit nakatalikod lang.Paano kaya kung nakaharap na?Nakasuot ito ng itim na tuxedo.Ano kayang feeling kapag nahawakan ko ang balikat nito?Sigurado akong matitipuno iyon.Eh ang dibdib kaya nito?

Ay ano ba itong kahalayang iniisip ko? Magfocus ka nga Sunshine!

"You look stunning." nakangiting sabi nito.

Akala ko noong una ganoon pa rin ang susuotin nito pero mali ako.
Hindi usual hoodies,face mask,etc.
Napasinghap ako ng makita ang kabuoan ng mukha nito.Ang clean cut hair,pointed nose,perfect jaw, mapang-akit na Adam's apple,at ang kissable lips nito.His eyes are covered with black sunglasses.Kahit hindi ko maaninagan ang mga mata niya alam kong maganda ito.I genuinely smiled at him.

"Thank you.You look handsome too." sabi ko at naglakad na patungo sa kanya.

"For you." sambit nito at ibinigay sa'kin ang bouquet of Sunflower na nakatago sa likod nito.

"Thank you,Aron.I really appreciate it." masaya kong sabi at pinaghila niya ako ng upuan.Kaagad naman akong umupo.

"I'm happy that you came." ngumiti ito sa'kin.

Shutah naman oh! Ba't ang gwapo mo ngumiti,Aron?

"Ano ka ba darating talaga ako noh at saka bakit si Manong Rex ang nagsundo sa'kin? Di ba sabi mo ikaw." turo ko sa kaniya.

"I'm sorry.Naging busy lang ako sa paghahanda para sa date natin."

"Okay lang." natatawa kong sabi.

"Kumain muna tayo." He snapped his fingers.Kaagad namang lumapit ang isang waiter at may dala-dalang masasarap na pagkain. Maayos naman itong inilapag sa mesa namin.

"Wow! Ang sarap naman nito." sabi ko at hindi naiwasang matakam.

I heard him chuckled sexily.

Anong sexily? Ang halay mo na Sunshine!

"Let's eat." sabi nito at nilagyan ng kanin ang pinggan ko.Nagsimula rin tumugtog ng violin ang lalaki sa gilid namin.

"Sure." sagot ko naman at nilagyan ko din ng kanin ang pinggan niya.

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now