KABANATA 36

68 11 0
                                    

Dedicated to bella_morena
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Kasalukuyan akong nakasakay sa passenger seat katabi si Faron na seryosong nagmamaneho.Patungo na kami sa concert ng Blackpink. Nakasuot ng plain black t-shirt si Faron at denim jeans.Ako naman ay nakasuot ng itim na printed Blackpink t-shirt at pinaresan ko ito ng cargo pants.Mabuti na lang at kasama ito sa mga damit na inimpake ni Mama.

"You okay?" Biglang tanong ni Faron.

"Ayos lang ako."

"You sure?"

Tumango siya.

"Mahirap lang ako na Blink.Hindi ako
kailan man nakapanood ng concert nila at saka hindi ko din afford na bumili ng hammer bong at Blackpink official merchandise.Hindi din ako nakakaattend ng fanmeetings nila pero sana makita ko na talaga sila sa personal." Malungkot kong sabi.

Lumingon ito sa gawi ko.

"We'll meet them later so hang in there and wait."

"Talaga? Hindi pa din ako makapaniwala na ngayong araw na 'to makakadalo na ako ng concert nila!" Naluluha niyang sabi.

Lumipas ang ilang oras ay inihinto na nito ang BMW.Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto.Kaagad naman siyang bumaba at ipinalibot ang tingin.Ang dami ng tao.May hawak na hammer bong pa ang iba.
Ang iba ay nakasuot ng kulay pink na damit.Nilingon niya si Faron na ngayon ay nakasuot ng itim na face mask.

"Ang dami ng tao." Mangha niyang sabi.

May kinuha ito sa back seat at nanlaki ang mata niya ng makita ang dalawang hammer bong na hawak nito.

"For you." Sabi nito at ibinigay sa kaniya ang isang hammer bong.
Nanginginig ang kamay na tinanggap niya iyon.

"Omg! Akin na ba talaga 'to?!"
Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

He nodded.

"Kakabili ko lang niyan kanina.
Come here,let's take a selfie."

Lumapit siya dito.Kinuha nito ang iPhone sa bulsa at nagselfie sila gamit ang front cam.Pagkatapos ay pumasok na sila kung saan gaganapin ang concert nila Lisa.

Hiyawan at tilian ang bumati sa kanila ng makapasok na sila.
May lumapit na dalawang lalaki na may malalaking katawan at inalalayan sila na maupo sa unahan.

"Lisaaaaaaa!!!"

"Jisooooooooo!!!"

"Jennieee! Kyahhhh!!!"

"Roseeeee!!!"

Halos mabingi sila sa tili ng ilang Blinks na nasa likuran nila.
Kasalukuyang nagpeperform ang Blackpink ng sikat nilang kanta na 'Kill this Love'. Gusto niya sanang tumili at magtatalon sa tuwa kaso nahihiya siya kay Faron.Nakisabay sa sayawan ang iba ng magchorus na ako naman ay nakangiti lamang na nakatingin sa kanila at iwinawagay-way ang hammer bong na bigay ni Faron.

Hindi ko na namalayan na nakisabay
na din pala ako sa tilian at hiyawan ng ibang Blinks.Hindi alintana si Faron na hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kaniya.Halos mapaos na ang boses niya ngunit sige pa din.




Faron's POV

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Nasa loob na kami ng BMW ko.Tapos na ang concert ng Blackpink.Mag-aalas-sais na din ng gabi.

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now