KABANATA 3

282 74 11
                                    

Dedicated to Courageouxs
Enjoy reading!💛

Sunshine's POV

Nagising ako dahil sa may kung anong bigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan.Matindi na ang sikat ng araw sa labas at ito ako,pinipilit na makawala sa estrangherong lalaki na nakayakap ang maugat na braso sa aking maliit na bewang.

Maingat kong inalis ang kanyang mga braso sa akin.Nagpasalamat naman ako dahil hindi ito nagising sa mahimbing nitong pagtulog.Inayos ko muna ang suot ko na medyo nagulo sa pagtulog at naglakad papalapit sa glass wall na may nakatabing pa na kulay itim na kurtina.Iwinaksi ko naman ito at bumungad sa aking harapan ang napakagandang tanawin.

Tanaw ko ang napakaasul at preskong dagat na nasa hindi kalayuan at tiningnan ko naman ang gawi sa ibaba.Kita mula dito ang kabuoan ng siyudad.Rinig ko rin ang hindi kalakasang ingay ng iba't ibang klaseng transportasyon mula dito sa itaas.Sa tingin ko nasa mataas na floor kami ng isang hotel.

"Hmm...Sunshine?" Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maalala na nasa loob pala ako ng silid ng isa sa pinakasikat at iniidolong artista sa bansa.Nananatili akong nakatalikod sa kanya at hinihintay ang karugtong ng sasabihin nito.Ilang minuto na ang lumipas ay wala na akong narinig pa mula sa kanya kaya naman napagdesisyonan ko na lumingon na dito.

Sa paglingon ko,nakahiga pa rin sya at kitang-kita ko pa kung gaano ka tangos ang ilong niya.Kahit nga napakagulo na ng buhok nito,bakit ang gwapo niya pa rin tingnan?

Tahimik akong naglakad palapit sa malaking kama kung saan siya nakahiga at natutulog ng mahimbing.
Umupo ako sa kama katabi niya.
Pinagmasdan ko ang napakagwapo niyang mukha.Pinisil-pisil ko rin ang matangos niyang ilong.Sana lang hindi siya magising sa gagawin ko pero hayaan na nga minsan lang 'to.
Once in a life time.

Nakakadagdag ng kagwapuhan niya ang makapal niyang kilay,magagandang pilik-mata,at lalong-lalo na ang natural na mapupula niyang labi.Nagtagal pa ang aking mga titig sa mga labi niya hanggang sa hindi ko na namamalayan na dinampian ko na pala siya ng isang matamis na halik.Nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad na inilayo ang mukha ko dito.Hinawakan ko pa ang mga labi ko na kanina lang ay nakadampi sa labi ni Faron Nattapol! It's my first ever kiss! How lucky am I?

Oh my ghadd! Bakit ko yun ginawa?!

Tinampal ko ang aking noo at sinabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa inis.Tumayo na ako at nagpasyang lumisan na sa kwartong ito pero bumalik ako sa kama at pinakatitigan siyang mabuti bago ako lumabas sa silid at nagtungo sa pinakamalapit na elevator.
Pagkapasok ko sa elevator ay nagpasalamat ako dahil walang ibang sakay kundi ako lang.Pagkalipas ng ilang minuto ay tumunog na ang elevator.

Ting!

Hudyat na nasa basement na ako.Pagkalabas ko sa elevator ay siya namang pagpasok ng ilang mga employee.Naglakad ako ng matulin patungo sa exit ng gusaling ito para makaiwas sa iilang taong nakatingin sa kanya ng mapanghusga.

Sa wakas,nakalabas na rin ako.Tiningala ko naman ang gusaling nilabasan ko at nagulat ako dahil nasa Hotel De Marupok pala ako.Ang pinakamatayog at magarbong hotel sa bansa.Maraming beses ko nang nakikita sa TV ang hotel na 'to.Madalas kasing e-feature 'to eh pero iba pa rin talaga kung sa malapitan at sa personal mo matutunghayan kung gaano katayog at kaganda ang hotel na ito.Nabasa ko pa nga sa dyaryo na isang five star hotel daw ito.Kung anong kinaganda ng loob siya ring kinaganda sa labas.
Ang weird nga lang kasi yung pangalan ng hotel eh kaparehas lang ng apelyido ko.So weird.I think it's just a coincidence.

Naghintay ako ng ilang minuto bago ako nakahanap ng taxi.Pinara ko ito at nagpahatid na sa amin.Itetext ko na sana si Mama pero nang mabuksan ko ang cellphone ko eh lowbatt na pala.Tiyak na cassava cake ako nito pag-uwi,hays.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots💛||

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now