KABANATA 14

166 42 8
                                    

Dedicated to anakling
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Alas-sais palang ay naligo na ako at nagbihis para sa date namin ni Aron.
Na miss ko na talaga ang presensiya niya.Ano kaya ang susuotin nito? Ganoon pa rin kaya?

"Lalabas ka, 'nak?" bungad sa akin ni Papa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Tiningnan ko rin ang sarili ko.
I wear above the knee floral dress.
Sa paa ko naman ay black pumps.
Dala ko rin ang aking purse.
Pinaghandaan ko talaga 'to.

"Opo,Pa." magalang na sagot ko.

"Gabi na tapos lalabas ka pa? Sino naman ang kasama mo?" tanong ni Kuya Chard na kababa lang sa hagdanan may hawak itong cellphone sa kamay.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil may bigla na lang bumusina sa labas.

Nandyan na siya!

"Sige Pa aalis na po ako." pagpapaalam ko kay Papa at nagmano dito.

"Kailan ka pa nagkaroon ng sundo?" nagsalubong ang kilay ni Kuya Chard ng sumilip ito sa bintana.

"Teka,ito yung sasakyan na naghatid sayo dati,di ba?" baling sa'kin ni Kuya.

"Ahm...Oo." nagkakamot ulong wika ko at saka lumabas na sa bahay para puntahan ang nakaparadang itim na BMW.

Lumabas ang isang may edad na lalaki mula sa driver seat at pinagbuksan niya ako ng pinto sa back seat.

"Ako po ang naatasang maghatid sa inyo Miss Sunshine sabi ni Sir Faron." sabi pa nito.

"Sir Faron?" naguguluhang tanong ko.

"Este Sir Aron po,Miss Sunshine." sagot nito.

Akala ko ba siya ang magsusundo sa akin.Ang gulo naman kausap ng lalaking 'yon.

Pumasok na ako sa back seat at sinarado naman ito ni Manong driver.
Umikot ito sa driver seat at inistart na ang engine.

Tahimik lang si Manong driver na nagmamaneho.Ako naman tahimik lang rin na nakaupo sa likurang bahagi.

"Manong driver,matagal niyo na po bang kilala si Aron?" tanong ko dahil hindi ako sana'y na tahimik lang kami. Masyadong boring.

"Ay oo,Miss Sunshine.Matagal na po mula noong bata pa si Sir Aron. Nagtratrabaho na ako sa kanila." sagot naman nito.

"Ganoon po ba." ani ko.

"Bakit niyo naman naitanong,Miss Sunshine.Girlfriend po ba kayo ni Sir Aron?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Magkaibigan lang po kami." sabi ko na lang.

"Pasensya na po Miss Sunshine kung naitanong ko po iyon sa inyo."

"Naku ayos lang po Manong...?"

"Manong Rex."

"Bakit po? Wala pa po bang naging girlfriend si Aron,Manong Rex?" curious kong tanong.

"Madami nga ang nagkakandarapang
babae sa kanya pero ewan ko ba kay Sir Aron wala pa din itong pinapakilalang girlfriend."

Napakagwapo naman ata ng lalaking 'yon sa dami ng nagkakandarapang  babae sa kanya.

"Hindi pa rin siguro ito nakakamove on sa kababatang si Mirasol."

Natamimi ako sa narinig kong sinabi ni Manong Rex.

Mirasol? Bakit napakapamilyar sa akin ng pangalan na 'yon?

"Bakit naman po? Na saan na po ba si Mirasol?"

"Nandito na po tayo,Miss Sunshine.
Sorry po kung masyado akong madaldal." Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat po,Manong Rex." sabi ko at bumaba na sa sasakyan.Sinarado naman ito ni Manong Rex ng makababa na ako.

"I am Angel Valenz,hotel manager.This way,Madame." Pagpapakilala ng babaeng lumapit sa kanya at bahagya pa itong yumukod. Kapagkuwan ay inilahad nito ang daan papasok sa hotel. Sumunod na lamang ako sa kanya.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots💛||•

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now