KABANATA 9

192 58 5
                                    

Dedicated to berzacks
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

"Sumakay kana muna,nilalamok kana diyan sa labas."
Natatawang wika ng estrangherong lalaki na  nagpakilalang si Aron kuno at inilahad sa akin ang kanina pang nakabukas na pinto ng itim na  sasakyan.Halata namang mamahalin ito.Napakayaman naman ata ng lalaking 'to.Paiba-iba ng sasakyan.

Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob at saka isinara ito.Ay infernes ang bango na naman ng sasakyan niya.Magkano kaya bili niya dito?

"Sayo ba itong sasakyan na 'to?" tanong ko.

"Nah,regalo lang 'to ng kaibigan ko sa'kin." agaran namang sagot nito.

"Edi sayo pa rin.Ang yaman naman ata ng kaibigan mo para ibigay ito sayo,ipakilala mo naman ako sa kanya." pabiro kong sabi.

"Taken na 'yon." agad na sagot nito.

"Ay ganun."

"Ihahatid na kita sa inyo baka hinahanap kana ng mga magulang mo." pag-iiba nito sa usapan at pinaandar na ang sasakyan.

Habang nasa biyahe kinukulit ko siya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari.Sana naman hindi mahirap at hindi illegal na gawain jusme lagot ako nito kay Kuya at Vivian kapag ganoon ang nangyari.




Faron's POV

"May tanong ako." biglang sabi ni Sunshine na nakaupo sa may passenger seat.

"What is it?"

"Bakit sa tuwing nagkikita tayo eh ganyan ang OOTD mo?" tanong nito sa'kin at pinagmasdan ang kasuotan ko.

"OOTD?" pabalik na tanong ko sa kanya.

"Yes,OOTD! As in Out Of The Day!" she exclaimed.

"Oh,yeah.Well,allergy ako sa sikat ng araw." I lied.

"Ganun ba.Eh gabi na naman ngayon ah,bakit ganyan pa rin suot mo?" dagdag nitong tanong.

"Allery rin kasi ako sa hangin." palusot ko na naman. Forgive me,my Sunshine.

"Okay." aniya.

Halos ilang minuto rin kaming tahimik bago ito binasag ni Sunshine.

"Ahm...Hindi ko alam kong anong trip mo sa buhay pero nais ko lang malaman kong ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin,Aron." sabi nito at binalingan ko naman siya ng tingin bago ibinalik ang tingin ko sa daan.

"I have wishes." I said.

"Wishes?At anong akala mo sa'kin..." tinuro nito ang sarili. "...isang Genie?!" pagpapatuloy nito na ikinatawa ko.

"No,ofcourse not."I answered.

"Ganun naman pala.May pawishes wishes ka pang nalalaman dyan." natatawang sabi nito.

"I want you to grant my three wishes."

"Wait...said what? Grant? Three wishes?" naguguluhang tanong ni Sunshine.

"Yeah."




Sunshine's POV

Ano ba itong pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Okay sige,ano 'yon?" sabi ko.
Sana naman hindi mahirap.

"Really? You'll grant my wishes?" gulat pa na tanong nito.Sa tono pa lang ng boses nito alam kong masaya siya sa sinabi ko.

"Ahm...I'll try." sagot ko.

Sandali niya akong binalingan bago ibinalik ang tingin sa daan.

°°°

A/N: Ano ang 3 wishes niyo na gusto niyong matupad? Just asking!😅

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now