KABANATA 39

66 7 0
                                    

Dedicated to SerialG
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ferida matapos kung maikuwento sa kaniya ang lahat ng nangyari sa nakalipas na ilang Linggo.

"L-legit ba 'yan?" Sunod nitong tanong.

Tumango naman ako.

"Owemjiii!!! So,engaged ka na kay Faron?!" Nagtatalon sa tuwa na tanong nito.

"Oo at saka hindi mo ba napanood ang balita kahapon? I'm sure na ibinalita 'yong press conference sa XY Entertainment."

"Anong press conference? Busy kami kahapon dito sa flower shop mo kaya hindi ako nakapanood ng TV." Sagot ni Ferida.

"Kami? Sinong kami?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Si Engineer ko." Namumula ang mukha na sagot nito.

"Ows! Mabuti at sinamahan ka niya.
Wala ba siyang trabaho?"

"Ayaw niya kasing mag-isa lang ako dito kaya pinareschedule niya 'yong
meeting nila ng client niya para samahan ako."

"Ay ang sweet naman pala ni Joser."

"Oo naman! Hindi nga lang halata sa mukha." Natatawang sagot naman nito.

Tiningnan niya ang relong pambisig.

"Mag-aalas dose na pala.Kumain na muna tayo." Sabi ko sa kaniya.

"Sige."

Lalabas na sana kami sa flowershop
ngunit bumungad sa harapan namin si Roselle.May hawak itong dalawang cellophane sa magkabilang kamay na naglalaman ng tupperwares.

"Aalis kayo?" Tanong nito sa'min.

"Ahm...pupunta na sana kami sa resto mo." Sagot ko sa kaniya.

"Ay,huwag na kayong pumunta do'n.May dala akong pagkain para sa'ting tatlo.Sabay na tayong kumain nagugutom na din kasi ako." Nakangiting sabi nito at ipinakita ang dala nitong mga pagkain.

"Sige,pasok ka." Anyaya ko sa kaniya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bigla na lang may pumasok na
balingkinitan na babae.Blonde ang buhok nito na para bang Americana. Nakasuot pa ito ng itim na sunglasses.

Mabilis akong tumayo at lumapit dito
para batiin.

"Good noon,Miss.Welcome to Sunshine's Flowershop!"

Nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin nito ang itim na sunglasses na nakatabon sa mga mata nito.

"So,too nga na you owned this
CHEAP flowershop of yours."

Hindi ako makapaniwala na isang sikat na modelo sa bansa ang nasa harapan ko ngayon.Hindi ko alintana ang mga sinabi nito dahil sa gulat.

Pinagmasdan nito ang kabuohan ng flowershop ko.Puno ng panghuhusga at panliliit ang tingin nito.Tumingin ito sa likuran ko kung saan kumakain ang mga kaibigan ko.

"Ohh! You're here din pala,Roselle! Who's that baboy beside you?" Natatawang tanong ni Kimberly Jones.Kilala niya ito dahil isa itong sikat na modelo sa bansa.Hindi siya makapaniwala na ganito ang ugali nito sa personal.Mapanghusga at
mahilig manliit ng tao.

Wala siyang karapatan na tawagin ng gano'n ang kaibigan ko! Ako lang ang pwedeng manlait sa kaniya!

"You're here too,Ann." Wika ni Roselle kay Kimberly.Nakita ko pa itong nagsmirk.

"Ofcourse!" Tumawa ito.

"Bukod sa manlait,may iba pa ba kayong kailangan?" Magalang na tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang noo nito.

"What did you say? Manlait?"

"Oo." Walang emosyon na sabi ko.

"What's that mean? Sorry,I only knew few tagalog words."

So,ako pa mag-aadjust? Ang galing naman.

"Kung dili ka mupalit ug bulak,pwede na ka mugawas." Kung hindi ka bibili ng bulaklak,pwede ka ng umalis.

"Are you cussing me?" Tinuro niya ako.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng dalawa niyang kaibigan.

"Hay,naku.Nakakastress ka namang kausap."

"Anong sini-say mo?" Naguguluhang tanong nito.

"Ang conyo niya." Mahina kong bulong sa mga kaibigan ko.Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Hey,you! Is it totoo na you're the fiancée of Faron?"

"Why? Threatened ka?"

"Ofcourse not! I know naman na it's fake news.I just wanted to know if it's really true or just a rumor."

"See this ring..." Ipinakita niya dito ang singsing na ibinigay sa kaniya ni Faron. "He's the one who gave it to me."

"No! That's not totoo! You're sinungaling!" Galit na sabi nito.

"Sorry to say this but it's the truth,Ms.Jones.Alam kong obsessed ka lang kay Faron kaya ganyan ang reaksyon mo pero pwede ba kanina pa naeestress ang bangs ko sa'yo! Queenina mo with respect."

Akmang sasampalin niya ako ngunit nagulat ako nang bigla na lang siyang nasubsob sa sahig dahil sa taong bigla na lang pumasok.Nakaharang din kasi ito sa bukana ng flowershop ko.

"Karma is a bitch like you!" Rinig niyang sabi ni Ferida.

"Ayos ka lang?" Tinulungan niya itong
makatayo.

Napanganga siya nang makitang dumudugo ang ilong nito.

"Yung ilong mo...dumudugo!"

Her eyes widened.

"Oh no! My nose!"
Natatarantang sigaw nito at kinapa ang ilong na dumudugo.

"My knees,my shoulder,my head."
Rinig niyang paninipol ni Roselle.

Napaigtad siya nang may bigla na lang humawak sa balikat niya.Nilingon niya kung sino ito.

"Kuya! Ikaw lang pala.Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ito sumagot sa halip ay tumingin ito sa babaeng nakaakbay sa'kin at pinipigilan ang dugo na umagos.Sakto naman na nagtaas ito ng tingin nang maramdaman na may nakatingin sa kaniya.

"You?!"

"Ikaw?!"

Sabay na tanong ng dalawa.

"Magkakilala kayo?"

"Ako na." Biglang sabi ng Kuya Chard niya.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Sa halip na magsalita ay bigla na lang nitong pinangko na parang sako si Kimberly sa balikat.

"Ako na ang bahala sa kaniya." Iyon lang ang sinabi nito at lumabas na sila sa flowershop.Rinig pa nila ang pagtutol ni Kimberly.

"Magkakilala ba sila?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan ngunit nagkibit balikat lang sila.

°°°

Hi,tamaders!
Please support other authors here in Wattpad.See you on the next chapter,enjoy reading!😚

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now