KABANATA 27

68 16 0
                                    

Dedicated to Pitcheyyy
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Umalis si Kizsha kasama ang mga bata para mamalengke. Naiwan kami sa bahay kasama ang tulog na sina Kuya Chard at Almarc.

Tapos na akong maligo sa banyo at tanging dilaw na tuwalya lamang ang nakatapis sa katawan ko.Isinara ko na ang pinto ng banyo at tahimik na naglakad papuntang kwarto niya nang mahagip ng paningin niya ang nakatalikod na si Faron sa may pintuan na malapit lang sa kwarto niya.May hawak itong cellphone sa kaliwang kamay at halatang may katawag ito.Palapit na siya sa pintuan ng kwarto niya ng bigla na lang itong humarap sa gawi niya.Nakita niya pa itong napalunok.Kaagad siyang tumakbo sa kuwarto niya at mabilis na inilock ang pinto.Napasandal siya dito at abot-abot ang kaba sa dibdib niya.

Nagbihis na siya ng simpleng dilaw na t-shirt na may Sunflowers na designs at ripped jeans.Sinuklay niya ang buhok at kinuha ang sling bag na ang laman ay ang pera niya at cellphone.Nagtungo siya sa pintuan at kapagkuwan ay binuksan na ito. Nagulat siya ng tumambad sa kaniyang harapan ang bagong bihis at preskong-presko na si Faron.

Nakapamulsa ito at matiim siyang tinitigan.

"Woah! Ang bilis mo naman na
nakapagpalit!" mangha niyang sabi.

Pinagmasdan niya ang suot nito.

Nakasuot ito ng black long sleeves na nakaunbottoned ang dalawang butones sa itaas na bahagi.He's wearing a black jeans and a black shoes.May nakasalpak pa na headset sa kanang tenga.May hawak din itong dalawang itim na face mask.

"Aalis kana?" tanong niya.

"Yeah." sagot naman nito.

"Okay.Ingat ka! Nice to finally meet you,my Idol!"

"No.You're going home with...me." Seryoso nitong saad.

"A-ano? Sasabay ako sa Kuya ko pauwi ng Manila.Ikaw na lang po total naaabala ko na ang oras niyo.Kahapon pa." Naiilang niyang sabi.

"Either you like it or not,you're going home with me and that's final." Malamig na sabi nito at bigla na lang isinuot sa kaniya ang isang itim na facemask.

Wala siyang nagawa ng hilahin siya nito palabas ng bahay at pinagbuksan siya ng pinto sa may passenger seat ng mamahalin nitong sasakyan.
Umikot na ito papuntang driver seat matapos nitong maisara ang pinto ng passenger seat.Tahimik lamang siyang umupo sa katabi nito at iniiwasang magsalita.

"You okay?" tanong nito sa kaniya.

"Ahm,ayos lang ako." sagot naman niya.

Inistart na nito ang engine at nagsimula ng magmaneho.Matapos makalabas sa gate namin ay bigla na lang itong nagsalita.

"Ba't ang tahimik mo?"

"Hindi lang ako sanay,alam mo na..."

"What?"

"Hindi pa din talaga ako makapaniwala na 'yong taong matagal ko ng iniidolo at hinahangaan ay nandito na,katabi ko lang at abot kamay ko na."

"You're lucky then."

"Oo nga.Napakaswerte ko.Thanks to my friend na naging daan sa pagkakakilala mo sa'kin."

"Sinong kaibigan? Lalaki ba?"

"Paano mo nalaman?!" Natatawa niyang tanong dito.

"So,he's a guy." Malamig nitong wika at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora