KABANATA 30

72 14 0
                                    

Dedicated to mizelainous
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Tatlong Linggo na ang lumipas matapos niyang makauwi dito sa Manila.Sumakay pa nga sila ng private chopper ni Faron pauwi pero 'yong itim nitong BMW ang sinakyan nila patungo sa bahay.Natuwa pa
nga ang mga magulang niya dahil marunong na daw siyang bumyahe ng mag-isa.Ang hindi nila alam ay kasama niya buong araw ang myembro ng F Boys.

Naalala niya pa na nagising siya sa mainit na yakap ni Faron.Ang ulo niya ay nakapatong sa matigas nitong braso samantalang ang isa nitong braso ay nakayakap sa maliit niyang bewang.Namula siya ngunit nalungkot at nainis siya ng bigla na lang tumunog ang cellphone nito na nasa bedside table.Dahan-dahan siyang gumising at mabuti na lang malalim na ang pagtulog nito. Tiningnan niya ang caller at naitaas niya ang kaliwang kilay ng makitang 'Love' ang pangalan ng caller.Ini-off niya ang iPhone nito at ibinalik sa ibabaw ng bedside table.

Naisip niya na mabuti na lamang at hindi niya ito sinagot dahil ayaw niyang maging kabit.Kailan man ay hindi niya pinangarap na maging kabit at sa isang artista pa. Napakuyom siya sa kaniyang kamao.

"Hoy,Sunshine.Anyare sa'yo?"
tanong ni Ferida sa kaniya na may hawak na decoration materials.

"Wala naman.Halika na magdecorate
na tayo." sabi niya at inagaw sa kaibigan ang mga decoration materials.

Buwan na ng Pebrero ngayon ibig-sabihin Buwan na din ng mga puso.
Naisipan nilang magdecorate sa flower shop nila dahil hindi naman sila mga bitter katulad ng iba.
Siya ang naggugupit ng mga heart shapes sa pulang construction papers habang si Ferida naman ay taga-glue.
Matapos naming idikit iyon sa harap ng pinto ay naisipan naming palitan ang kurtina at tela sa loob.Pinalitan namin ito ng kulay pulang tela at kurtina na noon ay dilaw.Nagsabit din kami ng ilang natitirang malalaking heart shapes sa dingding.Tiyak na matutuwa ang mga customers nila kapag nakapasok dahil ramdam na ramdam ang pagmamahal lalo na ay Valentine's Day na sa susunod na Linggo.Tiniyak din nila na presko at bago ang kanilang mga bulaklak na ibinibinta.

Mag-aalas-dose na din sila natapos at naplanohang kumain na sa La Rosas Restaurant.Naglakad lang sila papunta doon dahil ilang minuto lang naman ang lakaran.

Naupo sila sa mesa malapit sa bintana.

"Sunshine,ikaw na lang muna ang kumain." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Bakit naman?"

"On diet kasi ako." Napapakamot ng ulo na sagot ni Ferida.

"Ay weh?"

"Oo nga,gusto kong pumayat."

"Bakit ngayon mo lang naisipan na magpapayat,huh?" Pinitik niya ang noo nito.

"Kasi feeling ko hindi na ako mahal ni Joser." Malungkot nitong sabi.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Nag-away ba kayo?"

Ngumuso ito at yumuko.

"H-hindi.Hindi k-kami nag-away.
Hindi niya na kasi ako kinakausap at medyo cold na siya sa'kin tapos madaling araw na siya umuuwi." Napahikbi ito.Nalungkot naman siya sa sinabi nito kaya naman ay hinawakan niya ito sa kamay for comfort.

"Huwag ka ng magsalita ng ganyan.
Mag-usap kayo.Alamin mo ang side niya baka may sarili dahilan ito.Alam mo kasi kapag nasa relasyon ka dapat magkaroon kayo ng tiwala at pag-unawa sa isa't isa para hindi ito masira."

Nagtaas ito ng tingin at nakita niyang may luha ito sa mga mata.Pinahid niya ito gamit ang panyo niyang dilaw.

"Bakit napakagaling mong magbigay ng advice? Nagkaroon kana ba ng relasyon noon? Sa pagkakaalam ko,napakasingle mong tao."
Bahagya naman siyang natawa.

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now