KABANATA 12

190 44 16
                                    

Dedicated to JustChelle_
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Kaagad kong pinatay ang tawag at saka inilagay iyon sa desk.Tinaasan lang ako ng kilay ni Ferida na busy sa pag-eentertain ng customers.

Few minutes later,my phone beeped.
Unregistered number.She eventually open the message.

From Unregistered number:
    Sawatdee!

                     To Unregistered number:
                     ???                  

Nag-reply naman ako kaagad.

"Sawatdee? Anong ibig sabihin no'n?"
tanong ko sa sarili.Alam kong ibang lengguwahe iyon.Ilang segundo lang ang dumaan ay tumunog ulit ang cellphone ko.

From Unregistered number:
   Hey,it's me.Aron😎

Oh! Si Aron!Kaya pala may pagkapamilyar ang numero nito. Mabuti talaga at nagparamdam na ang lokong 'to.Bahagya naman akong napangiti sa ginamit niyang emoticon.Kaagad ko namang pinalitan ang contact name niya at nag-reply sa kaniya.

                                            To Aron🕶️:
         Hey! How did you know
my phone number?🙄

From Aron🕶️:
I have my ways and
connections,Sunshine🌻

Agarang reply nito sa'kin.Nangunot ang noo ko sa tinawag niya sa'kin.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako sa pangalan ko.Nagtype naman ako ng reply sa kaniya.

                   To Aron🕶️:
Isa pa 'yan! Paano mo ba talaga nalaman pangalan ko,ha?😒

Pagkalipas ng ilang segundo eh nagreply rin ito.

From Aron🕶️:
About that,I asked
your friend😉

Tiningala ko naman ang kaibigan ko at ayon siya nakapout ang labi na nakatingin sa akin.

"Wala ka bang balak na kumain,prend? Mukhang tataba ka
talaga dyan kakatulpok mo sa cellphone mo.Maawa ka naman prend gutom na ako.Kanina pa kita hinihintay matapos sa kung sino man iyang katext mo." mahabang wika ni Ferida at hinahaplos pa nito ang tiyan nitong may katabaan.

Gutom na nga yata siya.Tiningnan ko naman ang oras sa wristwatch ko.
Shit! Pasado alas-dose na pala!
Niligpit ko naman ang desk ko at ibinulsa ang cellphone ko.

"Arat na! Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom!" sabi ko at hinila na palabas ang kaibigan ko.
Matapos masarado ang flower shop ay nagtungo kami sa paborito naming kainan,ang La Rosas Restaurant.Balita
ko isang batikan na actress ang nagmamay-ari nito.Madalas kaming kumakain dito bukod sa malapit lang ito sa flower shop ko,iba't ibang masasarap na pagkain din ang meron dito.

"Halika na,prend! Pumasok na tayo."
masayang ani ni Ferida at nauna ng pumasok.Ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.

"Dito prend!" sinyas ni Ferida sa'kin ng makaupo ito sa hindi kalayuang
mesa.Nilapitan ko naman siya at umupo na.

"Can I take your orders,Ma'am?" sabi ng waitress at may ibinigay na menu sa amin na kaagad naman naming tinanggap.

"Ay hala! Huwag niyo po akong tawaging 'Ma'am',hindi po ako isang guro." sabi ko na bahagyang ikinatawa ng kaibigan ko at ng waitress.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Ang laughtrip mo talaga,prend!" natatawang ani Ferida.

"Laughtrip na kung laughtrip,hindi lang talaga ako sana'y na tinatawag na 'Ma'am." alma ko sa kanila.

Pumili na kami ng pagkain at inilista naman iyon ni Ateng waitress.

"Is that all,Miss?" magalang na tanong nito.

" 'Yon lang po,pakibilisan lang dahil gutom na talaga kami ng prend ko." sagot ni Ferida.

"Right away,Miss!" Iyon lang at naglakad na palayo sa amin iyong si Ateng waitress.

"Hay kaloka ka prend!" wika ni Ferida.

Ilang minuto rin ang lumipas ng bumalik si Ateng waitress at inilapag sa mesa namin ang mga pagkaing inorder namin.Nag-igting naman ang aking bagang.Feeling ko mas lalo akong nagugutom kahit na tinitingnan ko palang ang mga nasa harapan namin at ganoon din si Ferida na sadyang matakaw na sa pagkain.

Dalawang plato ng unlimited rice,apat na lumpiang Shanghai,dalawang
panaksan ng Menudo,sinabawang manok at pork steak.Nagulat ako ng tumunog na lang bigla ang tiyan ni Ferida.

"Shit! Nagugutom na talaga ako, prend.Kasalanan mo 'to eh." pagmamaktol nito.

"Kumain na tayo kung ganon nagugutom na rin kasi ako at ang mga bituka ko.Kawawa naman.Huwag kang mag-aalala treat ko na 'to sayo." sabi ko at nag-umpisa na kaming kumain.

Bumalik pa si Ateng waitress sa mesa namin dala ang dalawang baso ng malamig na tubig na alam naming libre ito.Pagkatapos no'n ay hinayaan niya na kami na magpatuloy sa pagkain.

°°°

•|| Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots 💛 ||•

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now