KABANATA 7

213 61 10
                                    

Dedicated to szareannedipity
Enjoy reading!💛

°°°

Sunshine's POV

Nakasakay na kami sa sasakyan niya na sigurado akong mamahalin dahil na rin sa napakagarbo nito at napakaganda.Buong buhay ko ngayon lang ako nakasakay ng ganitong uri ng sasakyan kadalasan kasi taxi at bus lang sinasakyan ko.
Hindi naman talaga ako papayag na sumakay dahil na rin sa isa siyang estranghero pero iwan ko ba sumakay pa rin ako.Wala naman akong takot na nararamdaman. Pakiramdam ko lang na wala siyang masamang gagawin sa'kin.

Hindi nakaiwas sa'kin ang magagandang tanawin na nalalampasan namin.Bubuksan ko na sana ang bintana ng sasakyan niya pero nagulat ako dahil siya na mismo ang gumawa nito gamit ang isa niyang braso samantalang yung isa ay nakahawak sa manubela ng sasakyan.

"Ako na." wika niya at lumapit siya ng bahagya sa akin para mabuksan ang bintana ng sasakyan.Habang ginagawa niya yun ay ako naman ay hindi maiwasang langhapin ang mabango niyang amoy.

Bumalik na siya sa pagmamaneho at ako naman ay pinagmasdan na lang ang mga tanawin na nalalagpasan namin.Medyo madilim na rin bago niya naipark ang sasakyan niya sa harap ng simple naming bahay.Pumunta pa kasi kami sa wet market bumili ng isda at karne.

"Dito ka lang." aniya at lumabas siya ng sasakyan at akala ko saan siya pupunta pero umikot lang pala siya at pinagbuksan ako ng pinto.Tinanggal ko naman ang pagkakalock ng seatbelt ko bago ako lumabas ng kanyang sasakyan.

"Hoy! Ikaw! Paano mo naman nalaman na dito ako nakatira,ha?Wala naman akong sinabi sayo na direksiyon ah." sabi ko sa kanya habang nakatighawak pa at sabay turo sa kanya.Nagugulan na talaga ako sa inaasta ng lalaking 'to.Una,yung nangyari sa mall kanina.Pangalawa,sumakay ako sa kotse niya at hinayaan siyang magmaneho kahit na wala naman akong sinabi na address kung saan ako nakatira.

"Paano ko naman makakalimutan ang lugar na ito?" sabi nito sa mahinang boses pero narinig ko pa rin bago pinagmasdan ang bahay namin.Ano ba ang pinagsasabi niya? Tumalikod siya sa'kin at kinuha ang mga pinamili ko sa compartment ng kanyang sasakyan.

I sighed."Ako na ang magdadala ng iba,nahiya naman ako sayo." puno ng sarkasmo na sabi ko bago inagaw sa kanya ang ilang pinamili ko.

"Don't be." sabi pa nito at tumawa lang bago kami naglakad palapit sa pintuan ng bahay namin.

Pinihit ko na pabukas ang pinto at bumungad sa aming harapan ang walang saplot itaas na si Kuya Chard.Bakas sa mukha nito ang galit at pagdududa sa akin at sa taong nasa aking likuran.

"Magdamit ka nga,Kuya!" inis kong sabi sa kanya at lalagpasan ko na sana siya pero nahawakan niya ako sa braso.

"Sino naman itong hinayupak na lalaking 'to na kasama mo?!" tanong nito na ang tinutukoy ay si Kuyang Stranger.

Halos mabingi nga ako sa tanong niya dahil sa lakas ng pagkakasabi nito.

"Ahm....he's a friend of mine." sabi ko na lang.

Sinulyapan ko naman si Kuyang Stranger sa likuran ko at ayon siya, kalmado lang nakatayo habang sa magkabilang kamay nito ay hawak ang iba ko pang pinamili.

"At kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na lalaki,ha? Bukod kay Ronron at Ridge?" mapanuyang tanong sa'kin ni Kuya Chard ko.

Si Ronron nga pala yung childhood friend ko na lumuwas na ng ibang bansa.Matagal na kaming hindi nagkikita simula pa noong 6 years old ako hanggang ngayon na malaki na ako.Ewan ko nga kung naaalala niya pa ako masyado pa kasi kaming bata noon eh at saka ano na kayang itsura niya ngayon? Mataba pa rin kaya siya? Natawa naman ako sa huli kong tanong sa aking isipan.Impossible naman ata.

"Ano ka ba,Kuya? Syempre may kaibigan na ako noh hindi mo kasi alam yun kasi masyado kang busy sa police station." palusot ko.

"Tsk!" Sinipat niya muna si Kuyang Stranger at bigla na lang inagaw ang mga pinamili ko at siya na mismo ang naglagay sa mesa namin.

"Halika,pasok ka muna." anyaya ko sa kay Kuyang Stranger.Alam kong malaki ang naitulong niya sa'kin ngayong araw na 'to kaya naman balak ko itong suklian.

"Nah,thanks.I'll go ahead.See you." Iyon lang ang sinabi nito bago ito pumasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito palayo sa bahay namin.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin nang hindi ko na maaninagan ang sasakyan nito.Sinalubong naman ako ni Mama ng mga katanungan pati si Papa ay nakiusyuso rin.Si Kuya naman ay tinaasan lang ako ng kilay bago siya umakyat sa itaas.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots💛||

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now