Kabanata 1

2.8K 66 0
                                    

Kabanata 1

"Nag-iisip ka ba Travis? buhay ng tao ang nakasalalay sa pinapagawa mo, dugo mo ang nananalatay sa katawan ng bata. And the only option you can think of is to have an abortion?" sigaw ko rito.

Ihinilamos ko ang kamay sa mukha dahil galit sa kanya. Bumuntong hininga ito at tila hindi alam ang gagawin.

"Chel, alam mong hindi natin ginusto ang nangyari. Lalong lalo naman 'yang batang yan. Paano na kami ni Cindy? She already gave me another chance and I'm not here to screw things up again" tangin rason na bigay niya

Agad naman kumunot ang noo ko at napa-tangang tinignan siya,, "Mas importante pa ba ang girlfriend mo kaysa anak mo? Hindi isang bagay ang pinag-uusapan natin dito Travis baka nakakalimutan mo."

"I'm sorry Chel pero hindi ko matatanggap ang batang yan."

Wala sa sariling napatawa ako sa sinabi nito. Kahit naman ako ay hindi tanggap ang anumang nangyari sa amin dahil aksidente lang ito pero hindi ko kakayanin kumitil ng isang buhay para lang sa ikakasaya ko.

Kinuha ko ang dalang gamit at tumayo sa kinauupuan. "Kung 'yan ang gusto mo, sige, hindi kita pipilitin." Tumayo ako at naluluhang tinignan siya. Mukhang naalarma ito sa ginawa ko at tumayo rin.

"Where are you going? We have to talk about this Rachel."

"I think we're done here Travis, wala na tayong pag-uusapan pa." dinuro ko siya, "Pero wag kang lalapit sa akin para makilala ang bata. Tandaan mo ang sinabi mo sa akin, hindi mo tanggap ang bata. Kahit ano pa'ng rason ibigay mo para makasama siya kahit saglit, hinding-hindi kita papayagan mahawakan maski dulo ng buhok niya."

AGAD akong napabalik sa huwisyo nang marinig ang matinis na tunog ng takure. Naalala ko nanaman ang pag-uusap naming iyon. Isang buwan na ang nakalipas simula ang pangyayaring iyon at hindi ko pa rin makalimutan.

Ang huling balita ko ay nagkabalikan na sila ni Cindy. Mapait akong napangiti. Ang kapal ng mukha niyang magsaya samantalang ako, naghihirap sa pagbubuntis.

Hindi naging madali para sa akin ang unang buwan ko sa pagbubuntis. Madalas ang morning sickness at pagod. Kadalasan ay hindi na ako nakaka-pasok pa dahil sa sobrang hilo.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahalo ng gatas nang tumunog ang aking telepono. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

Pag nagkataon nga naman.

Si Cindy lang naman ang tumatawag. Pinaghalong inis at pagsisisi ang aking nararamdaman. Inis dahil mas pinili siya ni Travis kaysa sa anak namin, at pagsisisi dahil pinagtaksilan ko siya bilang kaibigan. Sleeping with her boyfriend never should've happened.

Huminga muna ako nang malalim bago ito sagutin, "Hi Cindy! napatawag ka?" pilit kong pinasaya ang aking boses.

"Chelly! Ang tagal kong hindi narinig ang boses mo. Buti na lang at sinagot mo rin ang tawag ko"

Mariin akong pumikit. She did try to call me these past few weeks but I chose to stay away from her. Pero dahil sa sobrang guilty, pinagbigyan ko na ito ngayon.

"Sorry, medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko sa nagdaang linggo. I have to fully rest and take care of myself." Paliwanag ko, "bakit ka pala napatawag?"

"What happened? Magaling ka na ba? If this is not a good time I can call some other time." anito ay halata ang pangamba sa boses.

In our group, she's always been the caring one. She always acts as our mom dahil immature kaming iba. She's kind and trusts me completely. But I'm sure everything will change the moment she found out the truth.

"Hindi ayos lang naman ako. Sige ano ba ang sasabihin mo?"

Narinig ko ang mahina nitong pag tawa, "Secret muna. I want to tell it to you in person, can we meet? Kung ayos na ang lagay mo, but I understand if you couldn't come. Kasama naman si JayJay."

Si Jayjay ang isa pa naming kaibigan. He's our gay friend.

"Sure, I'll come. Just text me the meeting place."

"Yey!" she squealed, "Let's have a lunch together on our favorite place okay? See you!"

I suddenly remembered the news Jay said to me. Both of them are officially engaged. Siguradong tungkol sa kasal nila ni Travis ang gusto nitong sabihin. And no matter how heartbreaking it is, wala naman akong magagawa para pigilan sila para sa anak namin ni Travis.

Hindi ko mapigilang maisip na sa panahong makasal sila at magkaroon ng sarili nilang pamilya, mag-isa kong palalakihin ang aking anak. Ano kaya ang puwede kong sabihin sa anak ko na rason kung bakit wala ang tatay niya?

KINAKABAHANG pumasok ako sa restaurant kung saan kami magkikita-kita. Iginiya ako ng waiter sa table na pina-reserve ni Cindy.

Naroon na si Jay at naghihintay. "Jay!" tawag atensyon ko rito.

Agad itong nag taas ng tingin at tumayo para salubungin ako ng yakap.

"Namiss kita girl!" saad ko at hinalikan ito sa pisngi.

Mahina itong natawa at tinigan ang itsura ko, "Alam mo, bagay sayo ang pagbubuntis. Mas lalo kang naging blooming. Parang gusto ko na tuloy maging preggy."

Kinikilig na nginitian ko ito, "Thank you!"

"Wala pa sina Cindy dahil na-traffic daw, pero nag-order na ako ng inumin natin." aniya at iginiya ako sa table. Pinaghila ako nito ng upuan, at siya naman ay umupo sa kanan ko.

Inayos ko ang suot na white dress at inunat ang tela sa may tiyan. Mabuti at hindi pa halata ang isang buwan kong tiyan.

"Hindi mo pa sinasabi kay Cindy?"

Tinaas ko ang tingin kay Jay at hinawakan siya sa kamay, "Jay, huwag mong babanggitin kay Cindy ang tungkol sa pag bubuntis ko ha."

"Ha? e ano naman ngayon kung sasabihin mo na. As if naman malalaman niyang si Travis ang tatay ng anak mo." aniya

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Hinampas ko ang braso niya, wala talagang preno ang bibig nito. "Jay, alam mo naman ang sitwasyon 'di ba. And I want to be the one to tell her. I'm just waiting for the right time."

Umirap si Jay at hinaplos ang brasong nasaktan, "Oo na, promise hindi ko babanggitin." He hissed, "Buntis ka na nga ang lakas pa rin ng palo mo."

I chuckled, "Sino nga pala yung kasama ni Cindy? Sabi mo may kasama siya?"

"Sis!"

Agad kaming napalingon sa boses na iyon. Agad kaming sinalubong ng nakangiting Cindy, ngunit hindi sa kanya naka tuon ang atensyon ko. Pero sa lalaking nasa likod nito.

Travis.

Beautiful AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon