Kabanata 5

1.6K 59 0
                                    

Kabanata 5

"Are you alone?" tanong ni Dad.

Simula nang sinabi ko ritong buntis ako, halos araw-araw na itong tumatawag sa akin at kinakamusta. Kahit na magka-iba ang oras namin, siya na ang nag-aadjust para maka-usap lang ako. My Mom on the other hand still doesn't know about it, palagi itong busy at inaasikaso ang step sister ko sa nalalapit nitong gallery event.

"Yes po. Baka mag-taxi na lang ako papunta, natatakot na rin ako mag-drive e."

"How about Jay? Hindi ka ba niya sasamahan sa check-up?"

Umiling ako. "Busy siya sa work, siya rin kasi ang pumalit sa akin since nag leave ako." sagot ko habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin. Ang telepono ko naman ay naka-sandal dito para makita niya ako.

Ngayong araw ay may appointment ako sa aking Ob-gyn. Ngayong araw ko malalaman ang gender ng anak ko, malungkot nga lang dahil wala akong kasama sa masayang araw na ito. And I'm lying if I said I am not hoping for Travis to call me. Ilang buwan na rin kaming hindi nag-uusap matapos ang nangyari ilang buwan na ang nakakaraan. Kahit mensahe lamang upang kamustahin ang anak niya ang inaasahan ko ngunit wala akong natatanggap.

"Ayos lang talaga ako Dad, 'wag na kayo mag-alala." paninigurado ko

He sighed, "Mag-iingat ka riyan ha. I hope I can come home soon para makasama mo ako."

Ngumiti ako, "Ikaw din Dad, ingat ka riyan. Say 'hello' to Tita Edna for me." tukoy ko sa asawa ni Dad.

"I will, bye anak."

Alas dos na ng umaga sa kanila ngayon kaya minabuti ko ng tapusin ang tawag.

I quickly fixed my self para maka-alis na agad.

I am wearing a blush pink maxi dress and flat shoes to make it more comfortable for me. Inaayos ko na ang bag ko papaalis nang may tumawag.

Lumabas doon ang pangalan ni Joven.

"Hey, Rachel! I hope my call didn't disturb you."

"Hindi naman, bakit ka napatawag?"

"I was just wondering if we can go out together if you're not busy." aniya

Ngumisi ako. "Again?"

Isa pa itong si Joven ang nag bago ang trato sa akin. We both agreed to be friend and since then, he's been inviting me out to have dinner and sometimes to watch a movie. Minsan dumadaan siya sa apartment ko upang mag bigay ng pagkain na makakatulong sa anak ko. Though I told him I don't need it since I buy my own stuff, he insisted. Pambawi na lang daw sa tagal namin hindi nag kita.

"It'll be fun. I saw this movie that came out and I think it's cool. We should watch it together, what do you think huh?"

Umikot ang mata ko, "Wala ka na talagang magawa sa buhay mo kaya lagi mo akong niyayayang lumabas."

"Please?" pinalambot nito ang boses kaya natawa ako.

"I'm sorry but I can't, I have an appointment with my Ob-gyn today." sabi ko habang inaayos ang gamit sa bag bago lumabas ng kuwarto.

"You're going alone?"

"Yep"

"Great! I'll come with you. I'll be there in half an hour, wait for me." aniya

Hindi na ako umangal sa sinabi nito dahil nahihirapan na rin ako lalo na't malaki na ang tiyan ko. Nakakangawit na rin ang maglakad-lakad lalo na't limang buwan na akong buntis pero para na itong seven months sa laki kung titignan.

ILANG MINUTO lang ay dumating na si Joven.

"Wow! You look amazing." he gaped when I opened the door on my apartment for him.

Beautiful AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon