Kabanata 3

1.6K 60 0
                                    

Kabanata 3

The lunch we had was eventful.

And after my fight with Travis, I just went on like normal. Hindi ko na siya muli nakita pagkatapos noon. Sa tingin ko ay naging abala na siya sa kasal nila ni Cindy.

Hindi ko na sila muling inisip at tinuon na lamang ang atensyon ko sa anak ko.

"Bakit ba excited ka mamili ng mga gamit ng bata? Hindi pa naman natin alam ang gender ng anak mo" reklamo ni Jay habang dala-dala ang basket na puno ng baby clothes na pinili ko.

To keep me stress free, shopping for my baby's clothes became my hobby. Sobrang nakaka-tuwang tumingin ng mga gamit nito dahil sobrang liit. I was walking through the aisle when I saw a pair of shoes for babies. I giggled and immediately grabbed it.

1-2 months. Kulay puti ito at may disenyong teddy bear sa dulo.

"Para handa na ako. At bakit ba nagrereklamo ka? Gagawin na nga kitang ninong ayaw mo pa" Irap ko at nilagay ang sapatos sa basket.

"Baby ang sungit ng tito mo oh." sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.

Napangiti naman ako habang nakatingin sa tiyan ko, halata na ang pagbubuntis ko. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko ang bump ko. I used to be so stressed about what's going to happen but now I am just happy and excited. And in just few weeks malalaman ko na ang gender ng aking baby.

Patuloy akong nag lakad para matignan pa ang ibang gamit pang baby.

"Bakit? sinabi ko bang gawin mo akong ninong? sabi ko gusto ko maging ninang" Agad naman akong natawa sa sinabi nito.

"Ang arte mo Jay!"

Umirap naman ito saakin, "Eh kailan mo naman balak sabihin kay Cindy na buntis ka? Baka hintayin mo pang manganak ka bago mo sabihing nabuntis ka."

"Jay, I just think that this isn't the perfect time to tell her. Alam mo naman na kapag sinabi ko sa kanya, hindi siya titigil hangga't malaman kung sino ang ama ng bata." buntong hininga ko.

"Bakit sinubukan mo na ba'ng sabihin sa kanya? Have you even tried once?"

I sighed and shook my head guiltily. "Hindi pa. Pero hindi ko pa siya kaya harapin Jay."

"Sis, walang mangyayari kung sasabihin mo kay Cindy. Hindi naman niya malalaman kung sino ang tatay niyang inaanak ko e. Edi kung makulit sabihin mo na anak 'yan ni Joven."

Nagulat ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso. "Baliw ka ba? Hinding-hindi ko 'yan gagawin Jay."

Inilingan ko siya.

Joven is my ex-boyfriend. We broke up a year ago because of a second party. And because of that break-up, me and Travis happened.

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinasabi ni Jay dahil napukaw ang atensyon ko sa isang wooden crib. Maganda ito at simple lang. Kayumanggi ang kulay nito at may drawer sa ilalim ng kama. Tinignan ko ang price tag ng crib at doon na lang ako nagulat. Ang mahal naman nito para sa isang wooden crib. Pero sa tingin ko ay magagamit din naman niya ito nang matagalan.

"Baka gusto mo na rin bilhin 'yan, excited ka masyado e. Diyan ka na rin matulog."

Agad namang napa-irap ako sa kumento ni Jay. Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Jay baka nasabunutan ko na ito.

THE FOLLOWING day, I went to the grocery. Isa-isa kong kinuha ang mga pagkain na nasa listahan.

Papunta na ako sa dairy section nang maka-salubong ko ang isang mag-asawa. They were looking through the fruits for the baby. Sa tingin ko ay kabuwanan na nito. I couldn't help but feel jealous of what they have. Gusto ko rin may makasama sa pagbubuntis ko.

Iniwas ko ang tingin ko at pinagpatuloy ang pagtulak ng cart. Well at least I have Jay.

Agad kong hinanap ang brand ng gatas na lagi kong pinipili. Nainis ako nang makitang nilipat nila iyon sa may taas ng shelf. Seriously? Who fixed this?

Sinubukan kong tumingkayad para kuhanin iyon, ngunit hindi ko talaga maabot. Luminga-linga ako para humanap ng crew. Tatawagin ko sana ang lalakeng nasa harapang aisle nang may kumuha ng gatas mula sa likuran ko.

"Is this what you're reaching for? Lactation milk?"

Nanigas ako sa kinakatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Tumalikod ako at hinarap ang lalake. "Joven, it's you." banggit ko.

Binigyan ako nito ng matamis na ngiti at tinaasan ng kilay "Is this what you're getting?" tanong nito, at tumango ako.

He's still the same as before, he grew some stubbles which suited him well. Mas lalo siyang naging matured dahil dito. But he never lost his cheeky grin on his face.

Nilagay niya ang gatas sa cart ko at tumingin sa akin, "Para kanino ang bibilhin mong iyan?" tanong nito.

Nagbaba ako ng tingin sa aking tiyan at hinawakan iyon "I'm four months pregnant." medyo nahihiya kong saad.

Naramdaman ko naman ang pagkakagulat nito sa sinabi ko, "Wow, congratulations. You're married?"

Naka-ngiting umiling ako. "Nope, I'm a single mom." kibit balikat ko.

"I'm sorry I asked."

I chuckled. Halatang nahihiya ito sa akin, at sa sitwasyon namin. "It's okay. I chose to be a single mom, and I'm really happy. Hindi ko naman na iniintindi ang tatay ng anak ko dahil ma-stress lang ako."

"I'm glad you're happy. And it's so nice to see you.. again."

I smiled once again. Matagal ko rin siyang hindi nakita kaya nakakatuwang nandito siya ngayon at magaan ang pag-uusap namin dalawa.

"Are you alone?" I asked.

He nodded, "Yeah, I just need supplies for my penthouse. And then I saw you in the aisle having a hard time reaching for that box." turo nito sa gatas.

I shrugged, "Short girl problems." I chuckled.

"Are you alone?" tanong naman niya, "If yes, we can do our groceries together, I'll help you. But if not, that's also fine."

I blinked. "Oh.."

Nahihiyang umiling siya at mahinang natawa, "I'm sorry I said that, I just.. It's refreshing to talk to you again and now I think I'm creeping you out-"

"I'd be honored to come with you." Putol ko sa salita niya.

"Really?"

"Really." I smiled, "Wala naman akong kasama e. Kailangan ko rin ng tulong sa pag-abot ng mga items."

Bumalik ang ngiti nito sa mga mukha, "Let's go then."

Nilagay niya ang basket niya sa cart ko at siya na ang nagtulak. Siya ang namimili habang ako naman ang taga-sabi sa kanya ng laman ng listahan ko. Natatawa ako nang maisip na mukha kaming mag-asawa.

How I miss this guy. Why can't things be like before?

Tinulungan niya ako sa grocery hanggang sa paglalagay ng mga ito sa kotse ko.

"Stay safe okay? May iba ka ng kasama sa kotse, drive slowly." aniya matapos isara ang trunk ng kotse.

"Syempre naman. Salamat pala sa pagsama sa akin ha, I really appreciate it. Nung una madali lang, pero ngayong malaki na ang tiyan ko, madali na akong mapagod."

"And I'm glad to help." he paused.

"How did they take it? Your parents."

Hinaplos ko ang tiyan nang maramdaman ang pag-ihip ng hangin, "Hindi ko pa sinasabi. But I'll tell them eventually, alam mo naman ang relasyon ko sa kanila."

Marahan itong tumango, "I wish you happiness Rachel. It's great seeing you."

"You too, Joven." sabi ko

Lumapit ako sa driver's seat upang buksan ang pinto nang may naisip. Muli kong nilingon si Joven na nananatiling nasa likod ng kotse ko at ang kamay ay nasa bulsa, "Do you have anything to do after this?"

"No, I'll go straight home." aniya

"Do you mind if we go out to eat somewhere?"

Beautiful AccidentWhere stories live. Discover now