Kabanata 10

1.2K 37 6
                                    

Kabanata 10

I arrived home around six p.m. after the event. Saglit akong nagpahinga para makabawi ng lakas.

"How was the baby shower? Gusto ko sana makapunta kaso ang layo ko. Did your Mom attend?" Tanong ni Dad habang kausap ko ito sa telepono. We are on video call and I was sitting in front of my desk.

Umiling ako. Gusto ko man makasama ang ina ko dahil siya lang ang pamilya kong nasa Pilipinas, hindi rin naman niya sinasagot ang mga tawag ko. Ako na ang nahihiya sa sarili dahil pilit kong gustuhing makasama siya.

"I'm sorry that we're both weren't there, anak. If only you were here, babawi ako." anito sa sinserong boses. He looked at me softly and I know how much he truly cared for me.

I am a result of a one night stand of my parents. Pareho silang may mga pamilya na, kaya lumaki ako kasama ang mga kasambahay. Pero kahit na ganon, my Father made every effort to provide for my needs and to be close to him. Noong bata ako, I overheard my Mom saying how much she regret not aborting me sooner. Nasaktan ako nang sobra kaya tuluyang lumayo ang loob ko sa kanya.

Since that day, I promised myself not to be like them. Pinangako kong magkaron ng kumpletong pamilya, pinangako kong hinding-hindi ko iiwan ang magiging anak ko. But, here we are. Looks like history repeats itself.

"Ayos lang talaga ako, Dad. You don't have to worry about me." I gave him a smile to assure him.

He heaved a sigh, "Maybe, I can vouch for you to move here in New York. I want to take care of you." alok nito.

This isn't the first time he asked me to live with him in New York.

"I'll think about it, Dad."

Saglit na inayos nito ang telepono. Sumandal ito paharap sa lamesa kung saan siya nakaupo ngayon.

"Do think about it, anak. Dito ka muna tumira sa amin. You can raise your daughter here. Maganda ang edukasyon dito, and you'll have much more opportunities here in New York."

I sighed, "Sige, Dad. I'll call you next time kapag napagdesisyunan ko na. Magpahinga ka na muna at madaling araw na riyan."

"Oh sige na. Mag-iingat ka riyan palagi. Send me pictures from the event, okay?" anito bago binaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako at napaisip muli sa sinabi niya. Kung titignan, wala na ako masyadong gagawin pa rito. My salary is just enough to sustain my daily expenses. Dodoble 'yon kapag dumating na ang anak ko. At dahil hindi planado itong pagbubuntis ko, wala rin akong sapat na savings para punan pa ang iba kong gagastusin.

And if I go to New York, it would be a fresh start. And I'll have someone there to support me. Hindi rin naman ako nawawalan ng suporta mula sa mga kaibigan ko rito, pero hindi naman puwedeng umasa ako sa kanila palagi. May sarili rin naman silang buhay. At lalong hindi ko puwedeng asahan na palaging makakasama ng anak ko si Travis. He will soon have his own family to focus on.

Winaksi ko sa isipan ang mga ideya at inihilamos ang palad sa mukha. My eyes are a bit teary from tiredness.

Binuksan ko ang laptop na nasa harapan. Agad kong binisita ang g-mail para tignan kung naipadala na ang mga letrato.

Nang makita ang mensahe mula sa photographer, binuksan ko ang google drive na naglalaman ng hindi bababa sa singkwentang mga letrato. I decided to check every single one of them before I sent few to my Dad. Pipili na rin ako para i-print at ilagay sa album.

Nalilibang ako habang tinitignan ang bawat kuha. May mga letrato ng mga bisita na nag-uusap at nagkakasiyahan. Cindy and Jay even have a photo together with their silly poses. May mga kuha ako habang kasama si Joven. Isang letrato kung saan ako'y nakapikit at ginagabayan ni Joven patungo sa sorpresa nito ang nakuhanan - the photo was taken from a far angle and was zoomed in. Halata ang saya sa mukha ni Joven habang nasa gilid ko siya.

Beautiful AccidentWhere stories live. Discover now