Kabanata 11

1.2K 39 2
                                    

Kabanata 11

"Hey, Jay.." pinagbuksan ko ng pinto si Jay papasok sa apartment.

Ang mga dala nitong pagkain ay nilapag niya sa lamesa sa sala.

".. Buti napadaan ka. Hindi ka ba busy ngayon?"

Umupo ito sa sofa at sumandal. "I took the day off. Masyadong marami ginawa last week, kailangan ko ng extended break.", nilingunan niya ako, " Miss na kita sa work." he pouted.

We are both interior designers, working in the same company.

Tumabi ako sa kanya.

"Gusto ko na nga rin pumasok e. Wala na rin akong ginagawa rito, kaso palagi naman akong nangangawit dahil ang laki na rin ng tiyan ko."

"Mas mabuti pa ngang hindi ka muna magtrabaho, seeing the state you're in." anito at humilig sa lamesa para kumuha ng pizza. "How's the wedding preparation? I heard from Cindy she's always taking you with her." he asked as he was munching on his food.

I sighed. It's been a week since we started her wedding preparation-kung saan palagi naman siyang nawawala kalagitnaan.

I shrugged, "It's doing fine, I guess. She's been leaving all the work to me, dahil malaki naman daw ang tiwala niya sa akin."

"Sa'yo? Bakit naman niya gagawin 'yon e hindi naman ikaw ang ikakasal."

"Hindi ko rin alam e. Sa tuwing umaalis kami, biglang may tatawag sa kanya at aalis siya. Ang matitira lang ay kaming dalawa ni Travis."

"That's weird."

It is. And I have a hunch these past few weeks, but I don't want to jump into conclusions. Hindi ko lang mapigilan. Cindy has been acting very strange the very first day she invited me to plan her wedding with her. Imposible namang palaging may emergency sa tuwing nagpaplano siya. Deep inside me thinks that.. she knows something.

"Hey.." agaw atensyon sa akin ni Jay, "Ang lalim ng iniisip mo, hindi maganda 'yan para sa buntis." aniya, "'Wag mo muna isipin si Cindy, baka totoo naman talagang may emergency siya. She started taking over her family's business, right? Baka 'yon lang 'yon."

Sana nga..

Winaksi ko na lang sa isipan ko ang mga kutob na 'yon.

"By the way, noong nakaraan naka-tanggap ako ng e-mail mula sa company. Napili ata akong lumipat sa New York? May gano'n bang proposal ngayon ang company?" I asked.

"Ay, oo nga pala.." huminto siya pagkain, "Isa rin 'yan sa pinunta ko. Our director ordered me to tell you that he wants to move you to our branch in New York! He needs your response ASAP kasi sa susunod na buwan na ang alis."

"Ang aga naman ata kung sa susunod na buwan na. Does he even know that I'm pregnant?"

He nodded, "Kailangan na rin daw kasi ng designers doon kasi may natanggap silang malaking project. Yes, he knows you're pregnant that's why he's not expecting you to say 'yes', pero nagbabakasakali siyang magbago ang isip mo."

Bumuntong hininga ako.

I guess one month is enough time to say goodbye to my friends, right? But thinking about it, sina Jay lang naman ang mga kaibigan ko. I don't have much social life here.

E si Mom kaya? Would it be okay for her if I leave? Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap.

Mapait akong ngumiti. It won't be too hard to leave this country after all.

"Sa tingin ko, mas makakabuting tanggapin mo ang offer. Malaki ang sweldo at maganda ang benefits, at puwedeng doon mo na rin paaralin ang anak mo if you'd like to stay there permanently." he shrugged, "You still have a week to think about it, pag-isipan mo nang mabuti."

Beautiful AccidentWhere stories live. Discover now