Kabanata 2

1.9K 60 2
                                    

Kabanata 2

"What's up with you guys?" tanong sa amin ni Cindy at lumingon sa akin, "Lalo na sa'yo Chelly, isang buwan din ata tayong hindi nakapag-usap."

Ngumiti naman ako sa kanya, "I was sick and naging busy lang din ako sa work." pagsisinungaling ko.

Naka-upo sa harapan ko sa Travis at katabi nito si Cindy. I can feel his glare and stolen glances at me but I ignored him. Kahit na mukhang wala akong pakialam sa sitwasyon namin, humaharintado naman ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa muli naming pagkikita.

"She wasn't really feeling well these past few weeks, pinuntahan ko pa siya sa unit niya dahil sobrang sama ng pakiramdam." ani Jay sabay inom ng iced tea niya bago nagpatuloy sa pag sagot, "Last week nga pumunta siya ng ospital para sa monthly check-up."

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Mariin kong pinikit ang mata at pasimpleng kinurot ito sa tagiliran.

"Aray! ano ba!" reklamo nito. Tinignan ko lang ito at pasimpleng dinilatan ng mata.

"Check-ups? Bakit, may sakit ka ba Chelly?" concerned nitong tanong.

"Ah wala lang 'yun. Trangkaso lang."

Mukhang naniwala naman ito sa sinabi ko. "Ah oo nga pala, ano pala ang sasabihin mo sa amin Cindy?" pag-iiba ko ng usapan.

Nang tinanong ko iyon, pasimple kong tinapunan ng tingin si Travis na nag-iba ang aura. His stares are soft and worrying. Umiwas akong muli, I shouldn't even care about him like what he's doing to us.

"Oh! I forgot!" naka-ngiti nitong saad at tumingin kay Travis. "Do you want to tell them babe?"

Tumikhim muna si Travis bago nagsalita. "We would like to tell you that me and Cindy, are getting married" anito.

Alam kong narinig ko na ang tungkol dito pero masakit pala kapag narinig mo na mismo sa kanila. Lalong-lalo na kay Travis. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi na maka-imik.

"Wow! grabe hindi ko expect guys" saad ni Jay at tumingin pa sa akin, "Grabe 'no Chel, akala ko kasi hindi na sila magkakabalikan" aniya sabay tawa.

"Grabe ka!" ani Cindy sabay irap. "Well, I guess we really are destined for each other." tumingin siya kay Travis at yumakap sa braso niyo. "Laking pasalamat ko at nalampasan namin ang mga challenges sa buhay naming dalawa. And look where we are now, we're finally having our own family. Isn't that great?"

I smiled bitterly.

Nakita ko kung gaano kasaya si Cindy sa pagkukwento. Masaya ako pero nandoon pa rin ang lungkot na nararamdaman ko. Agad akong napabaling kay Travis, nahuli ko nanaman itong naka-tingin sa akin.

Ako na ang unang nagbaba ng tingin.

"I'm really happy for you Cindy." I said and smiled. And I am truly happy for her.

"Thank you Rachel! Sobrang excited na nga ako kasi soon magiging Mrs. Travis Montero na ako." she giggled.

Yumuko ako at tumikhim, "Oh, I forgot I have something to do pala. May appointment pala ako sa isang.. sa isang client. Nawala na sa isip ko" sabi ko at mabilis na isinakbit ang bag na dala.

"But we haven't even had our lunch yet" ani Cindy.

"I'm really sorry. Babawi na lang ako sa susunod" nakangiti kong saad, "Congrats sa inyo ni Cindy, Travis." sabi ko nang hindi sya tinatapunan ng tingin. "I have to go. Bye"

PALAPIT na ako sa kotse ko nang may tumawag ng pangalan ko. Lumingon ako sa likuran. Umirap ako sa hangin, hindi ko inaasahang susundan pa niya ako.

"Rachel, can we talk?" tanong nito.

Agad akong huminto, "May kailangan ka pa ba Travis?"

"Are we okay?" anito

Natawa naman ako sa sinabi nito, "You're seriously asking me that? Ano sa tingin mo? Tingin mo 'okay' tayo?" I mocked.

He sighed, "Rachel, I'm getting married to your friend and I just want everything to be good between us."

Agad na kumunot ang noo ko, "Travis sa lahat ng tao ikaw dapat ang nakakaalam sa sagot na 'yan. Inutusan mo akong ipalaglag ang anak natin dahil hindi mo tanggap tapos tatanungin mo ako kung ayos tayong dalawa? Travis tanga ka ba?" galit na sabi ko rito.

"Travis pasensya ka na pero hindi ko maiwasang magalit. Hindi ko maiwasang malungkot para sa anak natin."

"Rachel, intindihin mo naman ako–"

"Sinubukan ko pero hindi ko kaya." unti-unting nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko. Agad akong yumuko para hindi niya makita ang pag tulo ng mga ito.

"Kung sana sinunod mo na lang ang sinabi ko sa iyo dati, hindi na tayo hahantong sa ganitong sitwasyon."

Napa-tanga ako sa sinabi niya. Inangat ko ang tingin sa kanya at galit siyang tinignan. I can feel the heat bursting because of my anger. "Hanggang ngayon iyan pa rin ang nasa isipan mo Travis? Abortion?"

"Rachel, I know it's inhumane but It's the only way I know! You're too young to raise a child, at alam kong marami ka pang mga pangarap, ikaw pa nga ang nagsabi 'di ba? This would benefit the both of us! Bakit mo gugustuhing ipagpatuloy na magpalaki ng anak na magulo ang buhay mo?"

"Wala kang karapatan sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin Travis." Nanginginig ang boses ko nang bitiwan ang mga salitang iyon. "The moment you told me to abort my child, that was the moment you lost your right to meddle with my decisions. Lumayo na nga ako sa inyo 'di ba? I never.. never! Even once tried to talk to you again. And yet you're still here talking to me about aborting my baby."

He pinched the bridge of his nose and squeezed his eyes shut.

"I'm sorry Rachel." he took a deep breath and looked at me. "I am sorry but I love Cindy so much, I can't lose her again, this is my second chance."

"Don't talk to me again. We are done." I firmly said.

Tatalikod na sana ako nang higitin niya ang braso ko. "I'm sorry I shouldn't have said that to you."

"Alam mo, nakakainggit si Cindy. Kasi ikaw, kahit ano kaya mo gawin para sa kanya. Kahit ano'ng gusto niya kaya mo ibigay kahit mahirap. Pero ang maging ama, sobrang hirap para sa'yo. Kailangan ko pa umiyak sa harapan mo para lang paki-usapan ka. Nakaka-galit 'yang mga ginagawa mo Travis." pinunasan ko ang luha sa mga mata. "Gusto kitang saktan pero ayaw ko e. Kasi mahalaga para sa akin si Cindy."

Beautiful AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon