Kabanata 6

1.5K 52 2
                                    

Kabanata 6

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig nang makita sina Cindy at Travis, magkasama at nakatingin sa amin. Agad nilipat ni Travis ang tingin nito kay Joven, at bumaba sa magka-hawak namin na kamay.

"Ano'ng ginagawa ninyo rito? At kailan pa kayo nagkabalikan?" naguguluhang tanong nito at dumako ang tingin sa aking tiyan "And you're pregnant?!" gulat na tanong ni Cindy at nahahalata ko ang galit sa boses nito.

"Does Jay know about your pregnancy? I suppose he knows. Kailan mo balak sabihin sa akin?"

"Plano ko naman sabihin sa'yo" nauutal kong sabi "Hindi lang ako makahanap ng tiyempo."

"You could've told me noong nagkita tayo few months ago!" aniya "Sabi mo may sakit ka lang. Kaya ba hindi mo sinasagot ang tawag ko? Dahil ayaw mo sabihin sa akin?" agad nitong tinignan nang masama si Joven na tahimik sa aking tabi "Ikaw, bakit mo binuntis ang kaibigan ko? Pagkatapos mong mangaliwa bigla ka na lang susulpot dito?"

Seeing her become so overprotective of me makes me guilty. Si Cindy ang umaaktong ina saaming mag kakaibigan, mahal na mahal kami niyan. Hindi ko lang alam ang gagawin ko kung sakaling malaman niya ang totoo at masaktan ko siya nang todo.

"We'll both explain what happened. But not here Cindy." marahang sabi ni Joven, "Sensitibo ang kalagayan ni Rachel ngayon, let's talk about this privately, nasa ospital tayo." dahilan nito.

"Fine!" matigas na sabi ni Cindy, "Aalis tayo at mag-uusap." dumako ang tingin nito sa akin, "I need your explanation Rachel."

Cindy walked past us leaving Travis behind. Hindi nito tinatanggal ang tingin kay Joven. "We'll talk." anito bago kami nilampasan.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at napa-hilamos ng mukha.

"You didn't tell Cindy?"

Naluluhang bumulong ako.. "No."

Pinag-usapan naming magkita-kita sa malapit na coffee shop na wala masyadong tao. As we were driving to the destination, I kept playing with my fingers nervously. Tama si Jay, dapat dati ko pa sinabi sa kanya na buntis ako.

"Hey, don't be nervous. Kapag naipaliwanag mo na ang lahat, magiging maayos na kayo ulit." pagpapagaan ng loob sa akin ni Joven.

Nang huminto ang kotse sa daan, inabot nito ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. "You have to relax. Baka ma-apektuhan si baby, baka pumangit siya sige ka, kasalanan mo rin." anito

"Tumigil ka nga." inis na sabi ko.

Hindi ko matago ang kaba ko. "Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya." singhot ko at pinunasan ang luha.

"Wala ka naman ginawang masama e, wala ka dapat ikatakot. At nandito naman ako e, I'll protect you don't worry." anito habang hinahaplos ang kamay sa akin.

'Yon ang hindi ko masabi kay Joven. Hindi ko masasabi ang totoo kay Cindy dahil mismong fiance nito ang ama ng dinadala ko.

Nang makarating kami sa cafe, nauna ng dumating doon sina Cindy. Nasa may ikalawang palapag ito naka-puwesto sa may dulo. Cindy wasn't looking at our direction and I can feel her anger. Si Travis naman, na nasa tabi nito, ay pilit pinapakalma si Cindy. He sensed our presence and he immediately looked at me.

Para itong may galit sa paraan ng pagtingin nito sa gawi namin.

"Cindy.." tawag ko nang maka-upo kami.

Nasa harapan ko si Cindy habang magka-harap naman sina Travis at Joven.

"Explain." kunot noong tanong ni Cindy.

Beautiful AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon