Prologue

6.1K 262 28
                                    

Bloodbath. Murder. Death.

Different scenes that depicted those three words kept flashing inside the woman's mind as she grabbed onto a wooden chair to steady herself. She took huge gulps of air to ease the roaring inside her chest but it did little to calm her.

She should be used to seeing visions of the future. But she didn't expect to witness chaos happening so soon.

Napahilamos ang babae sa kanyang mukha habang dahan-dahang napaupo. Bumukas naman ang pintuang nasa kanyang harapan at iniluwa no'n ang isang binata. Mabilis nitong dinaluhan ang kanyang tiya at binigyan ng isang tasang puno ng tubig.

"Your visions are getting more frequent, tita," the woman's nephew said as he filled the cup once again with cold water. Nang mapuno iyon ay mabilis din iyong nilagok ng babae. Pero kapansin-pansin ang panginginig ng kanyang mga daliri dahil halos matapon na ang laman ng tasa.

Her voice came out hoarse when she moved her mouth to speak. "Malapit na siyang magising."

The boy's expression was a cross between bliss and uneasiness. Kahit walang binanggit na pangalan ang kanyang kausap ay kilala niya kung sino ang tinutukoy nito.

He's happy because she will finally be awakened from her deep slumber. But he's also anxious because of what that will cause. Dahil nakita ng kanyang tiya ang mga mangyayari kapag nagising ang dalagang iyon.

"She will leave danger in her wake," seryosong wika ng lalaki habang umaalon ang kanyang lalagukan dahil sa kaba.

Napatingin ang lalaki sa kanyang tiya nang hawakan nito ang kanyang mga kamay. Her eyes looked tired but there was something else in them. Hope.

"Please protect her. Protect the girl who lived." Tumango lang ang lalaki bilang sagot. Kahit halata ang takot sa mukha ng kanyang tiya ay mas nanaig ang pag-asa roon. And he doesn't have to read her mind just to know what she was thinking.

I may not have foreseen that accident from happening but I managed to change the future before. And I can do it again.

Babaguhin ko ang hinaharap para sa kanya.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now