42. The Presence

600 56 0
                                    

“Kuya Min-Min, swimming tayo!” pilit ni Clifford kay Dominic kaya tumigil na sa kakasunod sa akin ang huli. Kakabalik lang namin sa Seaside Inn ngayon dahil dumalo kami sa isang misa sa malapit lang na parokya.

It was a sunny day again but the heat didn’t hurt that much. Maaga pa kasi ngayon kaya malamig pa ang paligid.

“Pilitin mo muna si Ate Mimi na sumama sa atin, little bro,” pagpaparinig ni Dominic kaya tinaasan ko siya ng kilay. Pati ang bata ay dinadamay niya sa mga kalokohan niya. Pero masunurin naman talaga si Clifford kaya ginawa niya ang sinabi ni Dominic.

“Ate! Sama ka po sa amin!” The child even gave me the puppy eyes. Napabuga na lang ako ng hangin bago ako tumango. May balak naman talaga akong maligo ngayon dahil sa ganda ng panahon. I was also preoccupied since last night so I need to loosen up today.

“Yehey! Pumayag na si ate!”

“Oh my G! Sama rin ako! I’m ready to flaunt my curves!” Talisha boastfully said before he began making a series of poses. Natatawa naman akong napailing sa ginawa niya dahil pinagtitinginan na siya ng mga taong nakakasalubong namin.

“Magpapalit lang ako. Mauna na kayo sa akin,” sabi ko naman nang makitang sa tabing-dagat na didiretso ang tatlong lalaki.

“Sos! Nagpapaganda lang ‘yan para sa ‘yo, Dom!” litanya ni Talisha kaya napangiti naman sa direksiyon ko si Dominic. His smile was freaking genuine! Nanghina ako bigla pero hindi ko ipinakita iyon sa kanila.

“Gano'n ba? Take your time then, babe,” pilyo niyang saad bago ako kinindatan. Talisha shrieked that’s why he got the attention of all the people here in the hotel’s lobby.

Pagkatapos kong palayasin ang tatlo ay sumakay na ako sa elevator.

Habang papalapit ako sa aking suite ay may naaaninag akong babaeng naghihintay sa labas ng aking kuwarto. My bodyguards were with me now but I was still slightly unnerved by what I had seen.

“I’ve been waiting for you,” bati sa akin ni Xenia. Nawala naman ang kabang nararamdaman ko nang malamang siya lang pala iyon. Tumango naman ako sa kanya pagkatapos.

Kuya Ramon opened the door for us and I asked him and the other guards to just stay in the hallway afterwards.

“Did you watch the clips I sent you?” bungad na tanong ni Xenia nang makapasok kami sa loob. I nodded to answer her. Pasalampak naman akong umupo sa malambot na couch bago nagpakawala ng buntong hininga.

“It’s really Cleo, right?” tanong niya ulit sa akin.

“Oo. But I don’t get it. Bakit niya lalasunin ang sarili niya?” sabi ko naman habang nakatukod ang aking siko sa aking tuhod. Iyon talaga ang parte na hindi ko maintindihan.

My eyes followed Xenia as she sat on the gray ottoman in front of me. “Think in another perspective, Amity. What if her original plan was to poison someone? And that someone is you?”

The pounding in my chest grew stronger. “Cleo won’t do that...” mahina kong sagot sa kanya. Xenia let out a loud sigh in return. She crossed her legs afterwards while still giving me a pointed look.

“We can’t disregard that possibility. May tao bang nasa tamang pag-iisip ang gagawa ng bagay na ikapapahamak niya? I really believe that you should be the one poisoned, not Cleo.”

Natahimik ako sa sinabi ni Xenia. I tried to recall the day when I went to the mall with Cleo. I remembered how eager she was to get free drinks from Mint and Tea. Noong hindi ko pa nalalaman na siya ang nag-utos na lagyan ng lason ang huling inumin ay iisipin kong nauuhaw lang talaga siya kaya kami pumunta roon sa café.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now