3. The Sighting

2.2K 161 62
                                    

"Is this really necessary?" tanong ko kay Butler Prius na naglalakad sa aking gilid. Kasalukuyang tulak-tulak ni Dominic ang wheelchair kung saan ako nakaupo.

Kalalabas pa lang namin sa kuwarto na aking tinuluyan. And when we were already in the wide hallway, I saw many people coming out of their rooms. I don't want to assume but it's obvious that they were looking at me.

"You woke up after a year, Young Lady. Kailangan mo munang sanayin ang sarili mo sa paggalaw. At huwag na huwag mong bibiglain ang iyong katawan," sagot sa akin ng matanda habang nananatili ang kanyang paningin sa harapan.

In front of me were two men who were leading the way. Kapag dumadaan kami ay kusang humahawi ang kumpulan ng mga tao. I can also hear people whispering. Pero parang hindi bulong ang mga iyon dahil malinaw kong narinig ang mga sinasabi nila.

"Gumaling na ang anak ni Mayor! Kailangan ko 'tong ichika sa mga kumare ko!"

"How can Amity be so blooming? I envy her! Sana all maganda kahit bagong gising!"

"Ate, may humalik ba kay Sleeping Beauty kaya nagising siya?"

"It's a miracle! Pinagpala ang batang 'yan dahil siya lang ang tanging nakaligtas sa aksidente."

Napabuga na lang ako ng hangin nang marinig ko ang mga komentong nangibabaw sa aking pandinig. Hindi naman ako naiilang pero ayaw ko lang talaga na nasa akin ang atensiyon ng iba kaya napayuko ako. Butler Prius and his men were flanking me but they couldn't really hide me from the others.

Artista ba ako para pagkaguluhan ng ganito? I really don't like eyes watching my every movement. Nakakasakal.

"Autumn Vale is glad to see their Miss Perfect again," rinig kong bulong ni Dominic sa aking tainga. I can feel that he was gently pushing my wheelchair forward like I was a fragile object that can be broken easily if mishandled.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" tanong ko sa kanya nang hindi siya nililingon. Tumawa muna siya bago sumagot. "I'm not kidding, Mimi. You even have your own fans club."

There wasn't a hint of sarcasm when Dominic said those words. Ang tangi ko lang na nagawa ay magbuntong hininga. Pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa pagkabata dahil wala akong halos alam sa kung sino talaga ako. Basic literacies may have remained intact in my mind but my memories were the key to my life. I felt vulnerable without them but I didn't show it.

Narinig ko naman ang pagbukas ng elevator. Nagsilabasan naman ang mga taong nasa loob no'n nang dumapo ang kanilang mga paningin sa akin. They were smiling wholeheartedly and my ears couldn't take in all of their kind greetings at once that's why I only beamed at them in return.

Butler Prius informed me that they were just waiting for the perfect time to inform the media about my condition; that I had retrograde amnesia. They were preventing issues to appear and they didn't want to trouble my father who was away for a state conference. Importante raw kasi ang pagtitipon na iyon para sa siyudad namin. Naintindihan ko naman ang rason niya at mas gusto ko pa ngang matago ang kondisyon ko sa madla.

Pero napaisip ako. Do they really have to broadcast my life? Kahit nawala ang aking mga alaala, ang importante ay nakaligtas ako. Hindi ba pwedeng mabuhay na lang ako ng payapa?

"Akala ko nakalimutan mo nang ngumiti," komento ni Dominic nang makapasok na kami sa loob ng elevator. Binura ko naman agad ang ngiti ko sa aking mga labi. "Huwag kang mahiya. Bagay naman sa iyo," wika ulit ng lalaki at narinig ko naman ang mahinang pag-ubo ng lolo niya.

Mukhang natauhan naman si Dominic sa kanyang sinabi kaya nagsalita ulit siya. "Siyempre! Pangit ka na nga, tapos sisimangot ka pa, maawa ka naman sa mga taong nakakakita sa iyo. Huwag mong sirain ang araw nila."

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now