23. The Realization

592 71 8
                                    

“Find me? Ano na namang pakulo ‘to?” bulalas ko kay Qadim pero hindi pa rin niya ako nililingon. Instead of answering me, he stepped closer towards the wall where the red papers were attached.

“Hoy! Kinakausap kita!” asik ko habang lumalapit sa kanya. Nagtaka ako nang makita kong hinawakan niya ang parte ng pader na nasa ibaba ng sticky notes. But then I saw it. There were letters scribbled there.

PS TPNFPOF FMTF XJMM EJF UPEBZ

What the heck is this?!

Qadim went to Wren’s desk afterwards. Nang makahanap siya ng isang piraso ng papel at ballpen ay nakita kong babalik siya sa harapan ng pader. But I blocked his way. Umigting naman ang kanyang panga pero hindi na ako natakot do'n.

“Tell me what this is all about. Anong kalokohan ‘to?” pagalit kong tanong sa kanya. I was already completely infuriated because he kept on ignoring me like I wasn’t here at all. Pinipigilan ko lang nga ang pagkuyom ng aking mga kamao habang nakatingin sa kanyang seryosong mukha.

“Hindi ko rin alam.” Napasinghap ako dahil sa sinagot niya. Nilampasan niya ako pero hinila ko siya paharap sa akin.

Hindi ako takot na hawakan siya dahil hindi naman gumagana ang abilidad ko sa kanya. Nalilito pa rin ako kung bakit hindi ko maramdaman ang emosyon niya pero hindi patungkol dito ang kailangan kong pagtuonan ng pansin sa ngayon.

“Kasabwat ka di ba ni Wren? So tell me where’s her location now! Ayaw kong pumatol sa mga laro niya,” pahayag ko pero napabitaw ako nang malakas na hinila ni Qadim ang kamay niya pabalik.

“Akala ko iba ka sa kanila, Amity Villamor. Pero mabilis ka rin palang manghusga,” matalim na sagot ni Qadim bago siya lumapit ulit sa pader.

Parang binuhusan naman ako ng nagyeyelong tubig dahil doon. Is he not who I thought he was? Mali ba ang paratang ko sa kanya?

“You’re not her accomplice?” I asked even though I want the ground to swallow me because of shame. He slightly shook his head and I would’ve missed it if I wasn’t looking at him.

“If that’s true, then why are you here? Why did you trespass Wren’s room?” pag-uusisa ko pa rin.

He turned his head to look at me. Nangatog ang aking tuhod dahil sa lalim ng pagtingin niya sa akin pero buong lakas akong tumayo nang mas matuwid. “May mga bagay na hindi mo na kailangang malaman, Miss Perfect. Dahil baka ikamatay mo pa iyon.”

Napalunok ako dahil sa bigat ng atmospera sa pagitan naming dalawa. The way he said those words was like how a cobra would spit venom.

“And I’m not the only one who’s doing illegal stuff here. You’re also a trespasser,” dagdag niya kaya kumunot ang aking noo.

Lumapit na lang ako sa kinaroroonan niya pagkatapos at nakita ko siyang kinokopya sa papel ang mga letrang nasa dingding. “But why are you even here in the first place?” Qadim asked without looking at me.

“You might die if I tell you,” panggagaya ko sa sinabi niya kanina. Napangisi naman siya sa direksiyon ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang sinusulat.

“I might think that you’re stalking me then.”

Napabuga naman ako ng hangin pagkatapos. “Think what you want to think. Pakihanap na lang ang pake ko,” I sharply retorted.

“Babalik ka ba sa nursery? Why are you writing the alphabet all of a sudden?” komento ko nang makita kung ano ang sinusulat niya. Akala ko pa naman ay seryoso siya sa kanyang ginagawa. May saltik yata ‘to eh.

“I’m solving a code, stupid. Puro pagwawaldas lang kasi ang inaatupag ng mga mayayamang tulad mo. You’re useless in this kind of things. Tumahimik ka na lang kung wala kang maitutulong,” pahayag ng lalaki. Umakyat ang init sa aking mukha dahil sa insultong natanggap ko mula sa kanya.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now