40. The Getaway

577 53 0
                                    

"Wow ang ganda ng kuha mo, Mimi! You're a natural!" masayang komento ni Talisha habang tinitignan ang mga litratong nasa kanyang cellphone. I smiled at him even though I was deeply immersed in my thoughts.

I don't want to accuse Talisha but the application that I have seen just made me feel paranoid. I hope that it had nothing to do with the unknown caller who talked to me using a child's voice.

Huminga ako nang malalim bago nag-isip ng mga posibleng rason kung bakit siya may app na gano'n. And I remembered that Talisha is a vlogger. Baka gumagamit siya ng voice changer para gawing mas kawili-wili ang kanyang mga videos.

I'm just hoping that it is the real reason why he downloaded an application like that.

Nagtaka naman ako nang makitang may inilabas si Kuya Ramon na maleta sa loob ng aking kotse. "Para sa ano 'yan, kuya?" I asked him. I even saw another guard pulling out another baggage from my car's compartment. It had a floral design so I assumed that it belonged to Talisha.

"Mag-oovernight daw kayo rito sa hotel, Young Lady, sabi ni Miss Elora," sagot sa akin ni Kuya Ramon kaya napatango ako.

That idea sounds good.

"Miss Villamor! Nandito ka na pala. Welcome to Seaside Inn!" Napalingon ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

Vice Mayor Andres Medialdea's round face came into view afterwards. He was still beaming with energy just like the first time I saw him. But I was impressed to know that he owned this pretty huge establishment. He sure is wealthy.

I slightly bowed my head. Abala naman sa likuran ko si Talisha at mukhang hindi napansin ang pagdating ng may-ari ng hotel. "Pagpasensiyahan niyo sana ang kaibigan ko," nahihiya kong wika nang makitang sumakay pa ang huli sa likuran ng isang estatwa ng dolphin.

The vice mayor laughed before he waved his hands in front of him. "Don't worry, dear. Feel free to do anything. My hotel staff will also take your belongings from here. Pwede na kayong dumiretso agad sa tabing-dagat," wika niya bago ako kinindatan.

I want to believe that he's naturally jolly but I can't. My ability was telling me that he's pretending. Kung wala akong kakayahang maramdaman ang emosyon ng iba ay baka naloko na niya ako sa kanyang pinapakita ngayon.

I acted happy too when I nodded back at him. Kinuha na rin ng dalawang bellboy ang mga maletang binaba kanina ng mga bodyguards ko.

Kinailangan ko pang hilahin si Talisha dahil parang wala siyang balak umalis doon sa entrada ng hotel. "Enjoy!" sambit ni Vice Mayor Andres habang kinakawayan kami.

Walang duda. He's good at keeping his mask.

Hindi ko naman napigilang isipin kung ano nga ba ang totoong ugali ng isang Andres Medialdea. But whatever that is, it won't change the fact that I dislike him. Masama talaga ang tingin ko sa kanya.

"Girl! Smile at the camera!" wika ni Talisha kaya nagulat ako. Hindi ako nakapaghanda kaya isang tipid na ngiti lang ang nagawa ko.

Talisha went silent after he captured a photo of me. "Hoy! Patingin nga! Epic ba? Masyadong masilaw eh!" pahayag ko habang mas lumalapit sa kanya. Kahit maraming puno ng niyog sa lugar ay nagagawa pa rin talagang makalusot ng sikat ng araw.

Pero bago ko pa makita ang litrato ko ay tinago na iyon ni Talisha. "Now I know kung bakit hulog na hulog sa 'yo si Dom. Sana all talaga pretty!" sabi niya kaya kumunot naman ang aking noo.

"Binobola mo lang ako eh! Patingin nga at baka magawan mo pa ako ng meme," pagpupumilit ko. Ngumisi lang si Talisha sa akin na ipinagtaka ko ulit.

"Doon mo na lang tignan sa cellphone ni Dominic. I already sent the photo to him. I'm sure that he used it as his wallpaper already!" saad naman niya bago ako kinindatan. Magsasalita pa sana ako nang may marinig akong bagong boses.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now