43. The Identity

628 64 0
                                    

“Cleopatrang kulot! Buti naman nagising ka na girl! Nakakapagod ding magpabalik-balik sa ospital, alam mo ba ‘yon?” Cleo laughed because of Talisha’s remarks. The former was still lying on her hospital bed but she already looked ready to be discharged. Maputla siya pero hindi iyon halata dahil sa masigla niyang mukha.

“Siyempre naman, Alibaba! Hindi ako mamamatay na single! Now that I’m back, the battle is on! Aagawin ko na si Klein sa ‘yo!” Natawa naman ako dahil nagsisimula na naman ang bangayan nina Cleo at Talisha.

“Wala kang pag-asa, sis! Sorry ka na lang dahil nagpropose na siya sa akin. I’m engaged na, look!” wika ni Talisha habang pinagmamayabang pa ang alahas na suot-suot niya sa kanyang palasingsingan.

Talisha was bluffing because he only borrowed the ruby ring he was wearing from the jewelry box I had at my cabin. Natawa na lang ako sa pinagsasabi niya pero naging pormal ako nang may dumaang isang pamilya. They greeted me and I cordially returned the gesture.

Marami ring tao ang nandidito ngayon sa bow ng cruise ship. Namukhaan ko ang ilan sa kanila dahil nakasabay ko sila kahapon sa pagsakay sa barko. Miss Elora informed me that the passengers on board are the ones invited to my birthday celebration.

I then remembered the suspicious woman I saw before. Is the Equinox Organization invited too because my father is part of the syndicate? Or do they have something up their sleeves?

“Huwag kang makampante, girl! Iba na ang panahon ngayon. Talo na ng maganda ang malandi!”

They began arguing again. Napatingin na lang ako sa bughaw na kalangitan bago huminga nang napakalalim. The waves below us weren’t that wild so it felt like the ship was gliding on peaceful waters. Seeing the birds flying above us made me feel a tinge of jealousy.

Naiingit ako sa mga ibon dahil malaya silang nakakalipad. By only flapping their wings, they can escape and fly away from danger and from their fears. For those creatures, freedom and peace is reachable. I would barter anything just to live like them. To finally live at ease.

“Tahimik yata si Mimi ngayon ah. Did Dom piss you again?” rinig kong tanong ni Cleo kaya napatingin na ako sa screen ng cellphone ni Talisha. I met her innocent eyes and I couldn’t imagine if she was really the person behind the cyanide poisoning case.

“It’s nothing, Cleo. Dami ko lang talagang iniisip nitong mga nakaraang araw. Pero masaya akong makitang gising ka na.” I tried my best but my words still sounded half-hearted. Mahinhin namang kumurba ang mga labi ni Cleo pataas pero bakas sa kanyang mukha ang pagkailang. She might've seen through me.

“Nagtatampo lang si Mimi sa ‘yo, girl! Bakit hindi ka raw kasi makakapunta sa birthday niya? Bongga pa naman dahil sa cruise ship ang venue! Sosyalan din ang theme! Medieval! Pakisearch nga kung ano ang meaning no'n!” Siniko ko naman si Talisha kaya napadaing ang huli. Napansin ko kasing tumatalsik na ang laway niya sa screen.

“Uy huwag kang maniwala kay Ali! Okay lang na hindi ka makapunta, Cleo. Your recovery is more important right now,” pangungumbinsi ko naman. Noong nakaraang Sabado lang kasi nagising si Cleo mula sa halos isang buwan na pagtulog kaya dapat hindi niya binibigla ang sarili niya.

“I’m sorry, Mimi. Babawi ako next year,” malungkot na saad ni Cleo. I can feel her sincerity but I can’t help not to doubt my friend.

But I was glad because Talisha changed the mood of the conversation afterwards. Our talk went on for several minutes more. Mukhang wala talagang balak si Talisha na putulin ang tawag kung hindi lang kusang namatay ang cellphone niya. Ang taas ba naman kasi ng brightness.

I took a last glimpse at the majestic horizon before we went back inside. Nakasunod pa rin sa amin ang mga bodyguards ko habang pabalik na kami ngayon sa aking cabin.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now