25. The Ghost

616 77 5
                                    

The maple leaves were falling gently as a little girl came into view. Nakabusangot ang batang lalaking nakasunod sa kanya. Nagpaikot-ikot ang babae sa isang puno habang tumatawa. Tumalon ito pagkatapos sa malaking kumpol ng mga tuyong dahon at doon humiga.

“Prince Eric! Basahin mo nga kung ano ang nasa isip ko ngayon!” The little girl happily said to the boy who was now sitting on a nearby tree stump.

“Hindi Eric ang pangalan ko,” the latter grunted before picking up a stick on the ground. Tumingin muna ito sa babae bago nagsimulang gumuhit sa lupa.

“Sungit!” komento naman ng batang babae bago ito bumangon. Lumapit siya sa isa pang bata at pumalakpak nang makita kung ano ang ginuguhit ng lalaki.

“Ang galing!” namamanghang sambit ng batang babae. But her smile later turned into a frown. “Pero bakit hindi pantay ang ears ng rabbit?”

“Tsk! Ang arte,” bulong naman ng lalaki at iniwan doon ang kasama. Patuloy naman siyang kinukulit ng batang babae kahit halatang naiinis na siya rito.

“Turuan mo na ako, Eric! Gusto ko rin mabasa ang nasa isip mo!” masayang turan ng babae habang kinikiliti ang kasama. Pero wala iyong epekto sa lalaki. Ang maamong mukha ng bata ay hindi pa rin makikitaan ng kahit katiting na emosyon.

“Bahala ka sa buhay mo,” tugon na lang ng lalaki. Pero hindi pa siya nakalalayo ay bigla na lang siyang natumba dahil hindi niya nakita ang malaking ugat na nakaharang sa kanyang dinadaanan.

“Aray!” impit na sigaw ng batang lalaki nang makitang nasugatan ang kanyang tuhod dahil tumama iyon sa matalim na bato.

Tinaliman niya ang kanyang tingin sa kasamang babae dahil inaasahan niyang pagtatawanan siya nito pero ipinagtaka niya nang makitang natumba rin ang huli habang hawak-hawak ang kanyang tuhod.

“Bumangon ka na diyan! Ako lang ang nadapa kaya huwag kang mag-inarte,” sumbat niya nang makitang maayos naman ang lagay ng kasama at hindi naman ito napano. Pero nagulat siya nang makitang umiiyak na ang babae.

“Ang sakit,” rinig niyang sabi ng babae sa gitna ng mga hikbi nito. Kahit naguguluhan ay pinilit niyang tumayo at lumapit sa kasama.

“Saan masakit?” tanong ng bata habang tinatago ang kanyang pagdaing. The little girl pointed a finger at her knee while tears were still streaming down her face. Kahit walang sugat doon ay hinipan iyon ng lalaki at umaasang may maitutulong iyon para mabawasan ang sakit.

“Mama!” sigaw naman ng babae nang makita ang paparating na pigura.

____

Nakaramdam ako ng sobrang pagod nang magising ako. Fatigue overcame me but I tried to open my eyes. And the moment I successfully did, I saw him.

“Eric?” I called out to the guy leaning at the far corner of the room. Napalingon sa direksiyon ko si Klein pagkatapos. Suot niya ang salaming bigay ko kaya hindi ko makita nang malinaw ang reaksiyon niya.

But I remembered seeing him turn to my direction when I spoke. The name might’ve registered in his mind.

So is he really the boy in my dream?

O baka lumingon lang siya dahil hinihintay niya akong magising?

The door opened afterwards and the visitor who arrived diverted my attention away from Klein. Saglit na napahinto si Dominic nang makita niya ako. He easily found his way to the side of my bed and I was confused when he placed the back of his hand on top of my forehead.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now