7. The Song

1.3K 116 29
                                    

Sinunggaban naman ako ng yakap ni Cleo nang makalapit siya sa akin. But I couldn’t take my eyes off the good-looking guy keeping my friend company.

His navy blue polo shirt with a dandelion patch was tuck inside his skinny black jeans. Aside from that, he was also wearing a dangling earring that made him look like a bad boy but also a fashionista at the same time.

Nahiya naman ako sa kutis niyang kay puti at sa napakatangos niyang ilong. And heck! His mint green hair even suits his look! Nagmumukha siyang miyembro ng isang foreign boy band.

Nakakunot noong nakatingin sa akin ang lalaki at iniwas ko naman ang aking mga mata sa kanya dahil baka mapagkamalan pa niya akong weirdo.

“Your taste is good,” bulong ko kay Cleo kaya nakita kong pinanlakihan niya ako ng mata. She laughed at me afterwards while clutching her stomach. Kulang na lang ay gumulong siya sa sahig. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Mukhang boyfriend niya kasi talaga ang kasama niya at baka hinatid lang siya rito sa mansyon ko.

“Oh my gosh, Mimi! Narinig mo ba ang sinabi mo? Did you hear that too, Talisha?” tanong ng babae habang humahalakhak pa rin. Inilibot ko naman ang tingin sa paligid at hinanap ang tinawag niyang Talisha. Pero si Cleo lang at ang lalaking kasama niya ang nakita kong pumasok sa bahay. Is she talking to a ghost?

The guy shook his head and I saw Cleo whispering something to him. At halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang reaksiyon ng lalaki. Nagulat ako dahil sa malambot niyang galaw at pilantik ng kanyang mga kamay. Holy cow! I didn’t see this coming!

Umarteng parang nasusuka ang lalaki at nagduda na talaga ako sa kasarian niya. “How could you, Mimi? Hindi kami talo 'no!” Napanganga na lang ako nang marinig ang malalim niyang boses pero hindi talaga maipagkakaila na iba siya. I almost got fooled by his appearance and voice but his actions gave it all away.

“Talisha?” tanong ko na may halong paninigurado. If this guy is what I think he is, I’m a bit disappointed. Sayang siya!

Kumindat naman siya sa akin bago siya nagpacute. “Yes, the one and only goddess, Talisha Zacarias! I’m happy that you remembered me Mimi!” masaya niyang saad bago niya ako niyakap. I was cautious now not to create any skin contact because I still remember the burning sensation that I experienced earlier because of Dominic.

Talisha snapped her fingers in front and I eventually came back to my senses. “Alam ko namang ngayon mo lang ulit nakita ang kagandahan ko, dahil ako lang naman ang pinakadiyosa sa ating tatlo, pero may gusto lang akong itanong...” Lumapit siya sa akin para bumulong. “Sino ang poging lalaki sa likod mo, Mimi? Single ba siya? May number ka ba niya?”

Marahan ko naman siyang tinulak at nagulat ako dahil kulang na lang ay maghugis puso ang mata niya habang nakatingin kay Klein. Oo nga pala, hindi babae ang hanap niya. Nakakalungkot.

Kinukulit pa rin ako ni Talisha pero napanganga ako nang lumapit si Cleo kay Klein at kumapit siya sa mga braso ng lalaki. “Tumino ka nga Alibaba! Madami ka ng boys kaya ipaubaya mo na si kuya pogi sa akin,” rinig ko namang bulalas ni Cleo kaya nasapo ko ang aking noo. Hindi naman gumagalaw ang bodyguard ko na mukhang walang pakialam kahit pinag-aagawan na siya ng dalawa kong kaibigan.

“Sorry girls! He’s not available. He’s Klein by the way, my personal bodyguard.” Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa sa sinabi ko habang wala pa ring imik ang lalaki. Did I say something wrong?

“Sana all! Wala ka bang ibang bodyguard na kagaya niya, Mimi? Manlilimos sana ako,” wika naman ulit ni Cleo kaya tinawanan ko siya bago umiling. I looked at Talisha’s direction and I saw that he was pouting because of what I said. He looked surprisingly childish yet adorable when he did that. Hindi kagaya ni Dominic na parang bibe.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now