29. The Deal

555 70 4
                                    

My heart was hammering inside my chest. I couldn’t move because Qadim was still pinning me on the bed. Kahit buong lakas kong pinilit na galawin ang aking paa para sipain siya paalis ay hindi ko iyon nagawa. Nanghina na lang ako habang nakahiga.

Nakatitig pa rin sa akin ang lalaki at hindi ko alam kung hinihintay niya ba talaga ang sagot ko sa sinabi niya. Napalunok ako dahil sa lalim ng kanyang pagtingin.

His dark brown eyes were hypnotizing me so I had to divert my gaze away from him. Isang luha pa ang lumandas sa aking pisngi bago ako binitawan ni Qadim.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at iniwan akong tulala. Tumalikod siya pagkatapos sa akin bago niya sinuklay ang kanyang magulong buhok gamit ang mga daliri.

Nang magsalita siya ay hindi niya nagawang lumingon sa akin. “I’m not being defensive but I just want you to know that I did nothing bad. And that’s the truth. Bahala ka na kung ayaw mong maniwala.”

Napakamot pa siya sa kanyang batok habang nagsasalita. Why did I get the feeling that he’s being shy all of a sudden?

Hindi ko nasalo ang panyong hinagis niya sa akin kaya tumama iyon sa aking mukha. “Stop crying. Hindi ka na nga kagandahan tapos iiyak ka pa,” komento niya kaya nagsalubong naman ang dalawa kong kilay. But I still used the hankie to wipe my tears away.

Nakita kong naglakad na si Qadim palabas pero tumigil siya sa may bandang pintuan. “I don't know if you like homemade breakfast so I also bought some food from a nearby restaurant. But don't get overjoyed because you'll have to pay me back soon,” seryoso nitong saad bago tuluyang umalis.

His change of mood left me speechless. Hindi ko inaasahang may pakialam din pala siya sa akin.

Nang mapatingin ako sa mga pagkaing nasa mesa ay nagulat ako nang makitang napakarami no'n. Makakaya ko bang ubusin ‘to?

But the thought of Qadim bearing the burden of preparing breakfast for me made me smile. I really didn’t know that he was caring.

Mahina ko namang sinampal ang aking sarili nang maalala ko ang nangyari bago lang. I really overreacted! But hearing from Qadim himself that he didn’t do anything to me changed my attitude towards him that easily. But I shouldn’t let my guard down!

And I shouldn't trust people too quickly.

Umupo na lang ako sa couch para roon kumain. I couldn’t risk spilling food on Qadim’s bed. Baka mabeastmode na naman ang tao.

I laughed when I saw the three eggs on a porcelain plate. I think they were Qadim’s attempts to make a sunny side up. Pero pumalpak siya dahil wala ng yolk ang isang itlog at ang natitira namang dalawa ay basag.

Sumandok na rin ako ng kanin sa mangkok at nilagay iyon sa pinggan. It was moist and hot. Kinailangan ko munang hipan 'yon para hindi ako mapaso.

Nang maubos ko 'yon ay binuksan ko na rin ang paper boxes na may lamang iba’t ibang klase ng umagahan. I took a sip of my hot chocolate drink as I started to scan the food that Qadim bought.

“Gusto niya yata akong tumaba,” I murmered to myself. Hiniwa ko na rin ang hotcake pagkatapos ko iyong lagyan ng butter at honey.

“Heaven!” komento ko pagkatapos kong nguyain iyon. And by the time I had finished eating six hotcakes, my stomach was already full. Pero may anim pang kahon na may lamang pagkain.

Tumayo na ako at nagsimulang mag-unat unat para hindi mabigla ang aking katawan. Napagdesisyunan ko kasing mamaya ko na lang uubusin ang natitirang pagkain. Hindi ko na rin kasi kayang kumain pa dahil sa pagkabusog.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now