10. The Suicide

1.2K 104 4
                                    

“Bandang alas onse ng umaga ay natagpuan ang naaagnas na bangkay ng isang hindi nakikilalang babae sa loob ng morgue ng Apollo Medical Hospital. May balang nakabaon sa ulo ng biktima na siyang pinaniniwalaang rason kung bakit ito namatay. Pagkatapos suriin ng mga espesyalista ay napag-alamang halos mag-iisang linggo nang patay ang babae. Ayon sa nasabing ospital ay hindi nila empleyado ang biktima kahit nakasuot ito ng unipormeng pang-nars nang makita ng mga pulis. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng pulisya para malaman kung sino ang pumaslang sa biktima.”

My shoulders were crossed in front of my chest while I was watching the news. Hindi ako mapakali kaya napapadyak na lang ako habang nakaupo sa couch na hugis letrang L sa loob ng sala ng aking mansyon. The room was showered with the fading rays of sunset but it did nothing to conceal the unsettling feeling enveloping the atmosphere.

“The woman must be from Spring View,” rinig kong mahinang komento ni Butler Prius sa kanyang kausap na si Miss Elora. I’ve also studied our geographical location therefore I knew that the town mentioned by the head male servant was the one nearest to Autumn Vale.

Nang pasimple akong napatingin sa kanila ay nakita kong napakaseryoso rin ng kanilang mga mukha at pareho pa silang nakakibit balikat. Pero nahalata ko ang kabang nakapinta sa mukha ni Miss Elora bago siya tumugon kay Butler Prius.

“But this will be a controversy. Kahit hindi tagarito ang biktima ay sa siyudad pa rin natin natagpuan ang katawan niya. So the most probable suspects will be from our city. The image of Autumn Vale will be tainted because of this crime. Why would this happen while the mayor was away? Tiyak malulungkot talaga siya at madidismaya sa balitang ito.”

My father would be melancholic and I’m sure of that. He managed to prevent criminal acts from happening for more than a decade. Pero dahil lang sa isang krimen ay madudungisan ulit ang siyudad na buong puso niyang ginabayan at pinahalagahan.

Napakahirap pala talaga ng trabaho niya. Pero ngayong nangyari ang krimen ay napatunayan kong walang lugar na perpekto. A place can be perfect but a utopia still depends on the people inhabiting it.

“Sino kaya ang walang dangal na gumawa nito?” asik ni Butler Prius. Kahit naman ako ay naaawa sa babae. Even though the truth that she might be the same person who planned to kill me before remains, I can’t help myself not to feel pity for her. We should only die during the destined time for our lives to end. At sigurado akong hindi pa panahon ng babae nang mamatay siya. Sana lang ay mahuli ang kung sino mang gumawa noon sa kanya.

I stood up and went near the high-arched windows of the living room when my phone buzzed inside my pockets. Klein returned it to me after we got a home a few hours ago.

Speaking of that icy guy, he was comfortably standing near an antique vase displayed at the side of an open door. Nagsipasukan na rin ang mga katulong na dala ang aking meryenda. But I already lost my appetite because of the recent happenings.

“Did you confirm the woman’s identity?” bungad ko agad kay Dominic nang sagutin ko ang kanyang tawag. Napakaingay kung na saan siya ngayon pero mukhang naglakad siya palayo kaya tumahimik naman kahit kaunti.

“Nagmatch nga ang fingerprints niya at ang fingerprints na naiwan sa syringe na may lamang potassium. We finally found her, Mimi. But what now? Patay na siya,” malalim na wika ni Dominic.

It took me a few seconds before I managed to answer him. Hindi ko na rin kasi alam ang susunod kong gagawin. If that woman was alive, then I would interrogate her about her reason for killing me. Pero ano pa ang mapapala ko sa kanya ngayong ang malamig na bangkay na lang niya ang natitira?

“Let’s just wait for the result of the investigation. I hope the killer gets caught. Baka may mabiktima pa siyang iba kung mananatili siyang pagala-gala,” sagot ko sa kanya.

The Girl who LivedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt