16. The Rumor

837 80 9
                                    

Nilunok ko muna ang bikig sa aking lalamunan bago ko pinihit ang hawakan ng pinto. Ang lamig na dala ng aircon ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa kuwarto ni Cleo rito sa ospital. Inaasahan kong makikita ko si Talisha pero napakunot ang aking noo dahil si Dominic ang aking naabutan dito.

And it looked like he’s flirting with a young nurse who was checking on my friend’s condition. He kept on smiling at her like there’s no tomorrow. Umusok na lang bigla ang ilong ko dahil sa inis habang pinagmamasdan si Dominic at ang nars. They should have respected the patient. Dito pa kasi talaga sila nagharutan.

I coughed loudly which finally caught their attention. Nahihiya namang napayuko ang nars sa direksiyon ko bago lumabas sa silid.

“Hey Mimi! How’s school?” tanong sa akin ni Dominic habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang pisngi. I suddenly had the tendency to wipe that smile off his face. But I just hid my rolled fists behind my back while inhaling the cold air to alleviate myself.

“Okay lang. Where’s Talisha?” tanong ko sa kanya habang nilalapag ni Klein ang binili kong pagkain para kina Tita Clara at Clifford.

“Mabilis siyang umalis nang sabihin ko sa kanyang papunta ka. Nag-away ba kayo?” Dominic said before walking towards the table where Klein had placed the food that I had bought. Pero bago pa siya makalapit doon ay hinarangan ko na siya. Napairap na lang ako dahil parang mga bata kaming naglalaro ng patintero ngayon dahil gusto akong lagpasan ng lalaki.

“Pahingi ako kahit isa lang na donut, Mimi! Favorite ko 'yon eh!” Dominic childishly said as he tried to get through me. I'm still blocking his way because it seems that he won't stop until he gets a single donut.

“Klein tulungan mo ako!” utos ko sa aking bodyguard. Walang emosyon naman itong sumunod sa akin pero nagulat ako nang marinig ko ang binulong niya.

“Such immature kids,” rinig kong sabi niya bago niya hinarangan ang si Dominic. Nakapamaywang na ako at handa na sana siyang sumbatan pero nahinto ako nang makitang napaatras si Dominic nang makita ang bodyguard ko. I chuckled when I saw that he looked threatened by Klein’s height. Kahit matangkad si Dominic ay hanggang tainga lang siya ng bodyguard ko.

Padabog na umupo si Dominic sa silyang nasa gilid ng kama ni Cleo bago napabusangot. “Hindi ka pa rin nagbabago. Ang damot mo pa rin,” pagpaparinig niya sa akin kaya napakibit balikat ako.

“Gosh! Mahiya ka naman kay Cleo! Huwag kang pumunta rito kung gusto mo lang makikain!” bulyaw ko sa kanya. I was still in front of the table while Klein returned to his guarding position which was near the door. I was still protecting the pastry because I don’t want Dominic to snatch even a piece.

“Eh bakit ka nag-ooverreact? Hindi ko naman kakainin lahat eh! Isa lang ang hinihingi ko,” nakasimangot niyang tugon.

Pumagting ang aking tainga sa sunod niyang sinabi. “Hindi kaya ako patay gutom kagaya mo.” Mahina ang pagkakasabi niya no'n pero narinig ko pa rin dahil kami lang naman ang nag-iingay ngayon dito.

“Diyan, diyan ka magaling! Sa akin mo binabalik ang lahat! Kung gusto mo pala ng donut ay sana bumili ka na lang! Baka nakakalimutan mong mayaman ka, dude,” wika ko ulit habang patuloy siyang pinapatamaan ng matatalim na titig. I was expecting that he’ll continue the argument but he raised his hands in the air instead, like a sign of surrender.

“Hindi talaga ako mananalo sa 'yo pagdating sa mga ganito,” wika ni Dominic bago napabuntong hininga. My forehead creased but my feet impatiently tapped the floor while waiting for his next words.

“Mukhang good mood ka naman kanina no'ng tumawag ako ah? Sabihin mo nga sa akin ang totoo. May nangyari ba?”

I rolled my eyes at him before I sat on the chair behind me. I pulled a glazed donut from the box and I took a bite. Nakita ko namang lumuwa ang mata ni Dominic at naglaway nang makita ang kinakain ko.
“Stop asking questions. Nakakairita,” seryoso kong saad pagkatapos kong nguyain ang donut. But my mood lightened up a bit because of the sweet flavor.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now