27. The Panic

540 68 0
                                    

My knees were turning to jelly. Kanina pa sana ako natumba kung hindi lang ako nakaupo ngayon. I tried calming myself but my fingers were still shuddering. Dahil sa panginginig ay nahirapan akong tumipa sa keyboard. I corrected my spelling for many times because I kept on typing the wrong letters.

“Hinga nang malalim, Amity...” pagkausap ko sa aking sarili. Lumunok ako ng maraming hangin at binuga ko iyon pagkatapos. I don’t know why I’m being panicky all of a sudden.

The message only bore Cleo’s name and nothing else. Pero dahil pangalan lang niya ay nakalagay ay nataranta ako dahil sa dami ng posibleng rason kung bakit iyon ang minensahe sa akin ni Officer Pelaez.

But I decided not to think further about those plausible reasons. Dahil halos lahat sa kanila ay hindi maganda. I’m not a pessimist but negative thoughts are just bothering the heck out of me these past few days.

“Get a grip. You can do this,” pangungumbinsi ko ulit sa aking sarili para kumalma. I deleted the reply that I had already composed. And I made it shorter to make it less time consuming to read.

“What’s with Cleo?” pagbabasa ko sa aking sinulat. Huminga muna ako nang malalim bago ko iyon sinend.

Gulat naman akong napalingon sa may bandang pintuan nang bumukas iyon. But my face brightened up when I saw Butler Prius entering the dining room.

Narinig ko ang pagkalansing ng nahulog na tinidor sa sahig nang tumayo ako. Pero hindi na ako nag-abalang pulutin iyon at mabilis na lang na lumapit sa kararating lang na butler.

“Welcome back, Butler Prius!” masigla kong bati sa matanda. The latter looked dumbfounded because of my actions. Hindi kasi ako mapakali kaya pinipilit ko lang ang sarili ko na maging masaya para mabawasan ang aking kaba.

“Thank you, Young Lady...” sagot niya nang makabawi. Inosente akong ngumiti sa kanya habang magkasalikop ang dalawa kong kamay sa aking likuran.

“Did you deliver the flash drive safely to Officer Pelaez?” tanong ko sa kanya.

“Yes, Young Lady.”

I was waiting for him to further elaborate his answer. Pero parang naghihintay lang ako para sa wala. “So what did you see?”

Butler Prius might’ve heard the eagerness in my voice which was why he didn’t answer my question. “Ginawa ko na ang pinapagawa mo sa akin, Young Lady. You’ve already aided them in the investigation. And it ends there. You don’t have to take part in it anymore. Hayaan na lang natin ang mga pulis na ang tumapos sa kasong ito,” kalmado niyang saad.

I blew the strands of my hair that were hurting my eyes. Pumikit na lang ako pagkatapos para itago ang aking pagkainis. After summoning my self-control, I looked at him again.

“Alam ko po. Pero baka pwede niyong ishare sa akin kung ano ang laman no'n? I think that I have a right because I was the one who informed the police about that flash drive,” pagpupumilit ko sa kanya.

Butler Prius sighed in defeat which made me smile in return. “Pagkatapos kong ibigay kay Officer Pelaez ang flash drive ay umalis na ako kaagad, Young Lady. Wala akong alam sa laman no'n.”

Dismayado at walang buhay akong bumalik sa aking silya. From the way Butler Prius answered me, I knew that he wasn’t lying. So all I had to do now is wait for Officer Pelaez’s message again.

I kept on refreshing the browser to check for new e-mails. Nang makita kong mag-aala una na ay umalis na ako sa dining room. I went to the music room afterwards because I still have to practice. Sa susunod na linggo na kasi ang kaarawan ko pero hindi ko pa masyadong gamay ang piece na ipeperform ko.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now