28. The Wild Chase

550 63 0
                                    

Nagulat ako nang biglang huminto si Qadim sa pagpupumiglas. His body stiffened and I distanced myself from him when I realized how close I was to this guy. Pero hindi pa rin bumibitaw mula sa pagkakapulupot ang dalawa kong kamay sa kanyang baywang.

“Anong sinabi mo?” he asked in a low voice. Kahit alam kong narinig naman niya nang klaro ang sinabi ko ay inulit ko iyon. I don't want to piss him right now.

“Help me. Kailangan kong mahabol ang kotseng 'yon,” I said while pointing at the form of car that was slowly blending with the darkness of the night.

“Do you really mean it? Kailangan mo ba talaga ng tulong ko?” Qadim asked again, but this time, I hinted a grave emotion in his voice.

Tatarayan ko na sana siya dahil nasayang lang ang oras sa kakatanong niya sa akin pero hindi ko iyon ginawa. The last thing that I want to happen is to be pushed off his motorcycle for having a bitchy attitude.

“Oo,” tipid kong sagot at halos napatalon ako sa aking kinauupuan nang may bumusina sa aming likuran. I almost forgot that we were on standby in the middle of the road.

“Doon kayo magharutan sa gilid mga bata!” sigaw ng driver ng truck bago niya kami nilampasan. Wala sa sarili akong kumalas mula kay Qadim dahil sa kahihiyan.

Nakita ko namang iniabot ng lalaki sa akin ang helmet na suot niya kanina. “Kunin mo na. It's better to be safe than sorry,” aniya. Nagtaka ako dahil nagbago bigla ang kanyang timpla. Bakit parang naging mabait siya ng kaunti?

Kinuha ko na lang din ang kanyang helmet at sinuot iyon. Pero nag-alala ako para sa kanya. He’s unprotected now.

Nang paandarin niya ang motorsiklo ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na yumakap ulit sa kanya. Sanay kasi akong sumakay sa kotse kaya naninibago ako ngayon. But it was really awkward on my part so I tried to loosen the embrace.

“Don’t,” asik niya kaya natigilan ako. What is he implying?

“Ngayon ka pa nahiya. Higpitan mo na. Ayaw kitang balikan kapag nahulog ka sa daan,” matalim niyang utos kaya ginawa ko na lang din iyon.

Akala ko pa naman bumait na siya!

Napapikit ako nang magsimula nang tumakbo ang motorsiklo. “There’s no turning back now, Amity Villamor,” wika niya bago tuluyang pinaharurot ang aming sinasakyan.

“Holy sheep, Qadim! Dahan-dahan naman!” bulalas ko. Parang lalabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na rin ang aking kamay pero hinigpitan ko ang pagkakasalikop no'n sa isa't isa para hindi ako makabitaw.

“Bobo ka ba? Paano natin sila mahahabol kung usad-pagong tayo?” he shouted back. Kahit hindi ako masyadong makarinig dahil sa lakas ng hangin at sa suot kong helmet ay nakuha ko ang kanyang sinabi.

“Sila? Paano mo nalamang hindi nag-iisa ang nakasakay do'n?” nalilito kong tanong sa kanya.

Wala akong sagot na natanggap mula kay Qadim. His silence is quite suspicious. Pero nagkaroon na ako ng hinala kung bakit napadaan ang huli sa harap ng ospital kanina at kung bakit niya alam na may kasama ang taong hinahabol namin.

Minamanmanan din ni Qadim ang taong 'yon.

“Is he the serial killer? Kasama ba niya ang kasabwat niya?” I asked and I received no response, again. But scratch that. Silence is actually an answer and it usually means yes.

Hindi ko na masyadong maaninag ang paligid dahil sa bilis ng takbo ng motorsiklo. My persistence to capture the culprits overpowered the rising fear within me. Nawala na ang pakiramdam na parang maduduwal ako. At nang bumalik na sa paningin namin ang itim na kotse ay nabuhayan ako ng loob.

The Girl who LivedWhere stories live. Discover now