18. The Date

836 78 12
                                    

“I really don’t have to stay for another day, Miss Elora! Okay na po ako oh,” pagpupumilit ko habang tumatalon-talon pa para ipakitang totoo ang sinasabi ko. The woman just crossed her arms in front of her chest to show that my antics won’t work this time.

“Hindi mo na mababago ang desisyon ko, Young Lady. Hindi ako naging mahigpit sa 'yo noong mga nakaraang araw kaya nangyari ito,” wika ni Miss Elora kaya nalukot ang aking mukha.

“But I don’t want to miss my classes! Kakabalik ko lang this week tapos mawawala na naman ako,” pangungumbinsi ko pa rin. I heard a loud sigh from Butler Prius while Miss Elora remained unbothered.

“Your health first before anything else, Young Lady. Hindi ka naman makakapag-aral nang maayos sa kalagayan mo ngayon,” Miss Elora answered back.

“But I’m already well!” wika ko ulit at itinaas ko pa ang kanan kong kamay na para bang nanunumpa. But I winced when pain shot from my side.

“See? Even your body is telling otherwise,” Miss Elora added.

Hinimas ko ang aking tagiliran bago napabuga ng hangin. “This is because I don't get out of bed. I need to be active again, Miss Elora. Iyon lang ang tanging paraan para hindi ako mangalay.”

Siya na ngayon ang napabuntong hininga. Nabuhayan ako ng pag-asa dahil mukhang napapayag ko na siya. “Try to sit still for today, Young Lady. I’ll make sure that tomorrow will be jam-packed for you.” Magrereklamo pa sana ako pero nagsalita siya ulit.

“And my decision is irrevocable. I’m your guardian and even though you’re already in your legal age, you still need to follow me,” she said so I pouted again. Napatingin ako kay Butler Prius para humingi ng tulong pero halata namang hindi siya sa akin kakampi.

Nakita kong lumapit sa akin si Miss Elora at hahawakan niya sana ang kamay ko kaya mabilis ko iyong itinago. I regretted that action afterwards because it was kind of rude on her part. Pero parang naging instinct ko na kasi ang pag-iwas na mahawakan ng iba dahil sa abilidad na mayroon ako.

Miss Elora retreated before heaving a sigh. “I’m just doing this for you, Young Lady. Ilang linggo pa lang ang lumipas noong magising ka mula sa coma kaya dapat hindi mo inaabuso ang katawan mo. There’s really no need to rush things. Take small steps in restoring your life because your body might not make it if you force yourself too much.”

Sumeryoso ako dahil sa sinabi niya at napatitig na lang sa aking kumot. Because I can clearly identify the hidden message in Miss Elora’s words. I knew that they were talking about me last night after what I had shared to them. Na dahil hindi ko inaalagaan ang kalusugan ko ay kung ano-ano na ang napapanaginipan ko. Na dahil sa stress ay baka mahirapan akong makaalala. At kahit hindi nila sabihin ay alam kong pinagdududahan na nila ang katinuan ko. But heck! I’m not going crazy!

But that dream! The specific scene I saw really looked real. May parte sa aking utak na nagsasabing totoo ko iyong alaala kahit napakaimposible no'ng mangyari.

Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na napansing nakaalis na pala sina Butler Prius at Miss Elora. Kahit tulala ako kanina ay narinig ko pa rin ang ilan sa mga sinabi nila. They said that I don’t have to worry about missing my classes. Ang kailangan ko lang daw gawin ay ang magpahinga at magpagaling nang tuluyan.

“Ano ang hinahanap mo sa library kahapon, Young Lady?” tanong ni Klein na nakaupo ngayon sa isang mahabang couch na nasa harap ng flat screen TV. The seat was shaped like a letter L and it sure was comfy because it came with throw pillows.

This looked like the room I had occupied days ago. Pero di hamak na mas malaki ito kumpara sa kuwarto kung na saan si Cleo. And speaking of my friend, I need to visit her.

The Girl who LivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon