Chapter 11 : Never look back

84.8K 4.1K 895
                                    

11.

Never look back

Tammy

“Kirk sabihin mo anong nangayayari?!” Sumigaw ako’t hinila ang braso niya.

Lalong tumindi ang takot ko nang makita ko ang kaba sa mukha ni Kirk. Kung maging siya ay kinakabahan na din, masama ang ibig sabihin nito.

 “The clock is ticking.

When it’s up she’ll go boom.

When it’s down you’ll go home.

Cut the red wire and it will spark the red light.

Fail to find her car, you’ll be the one in a funeral car.” Nauutal na sambit ni Kirk na tila ba inuulit ang salitang nanggaling sa salarin.

“A bomb.” Napahawak ako sa bibig ko nang dahil sa napagtanto.

“Get back inside and don’t let any of those people out!” Maotoridad na sambit ni Kirk sabay turo sa gusaling nasa likuran ko.

“Paano ka?!”

“Run!” Muling sigaw ni Kirk pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

“Tamara, I said run!”

Hindi ko siya pinakinggan, sa halip ay nilibot ko ang paningin ko sa mga kotseng naka-park sa paligid namin. If this is about Tessa, then it’s her car that he’s talking about. But Tessa doesn’t have a car! Alam ko kasi parati niya itong nirereklamo noon sa daddy niya—Shit ang daddy niya! Tama!

“Yung police car!” Aligaga kong sigaw sabay turo sa kotse na naka-park sa dulo ng bakanteng loteng kinatatayuan namin. Suntok man ‘to sa buwan, ito lang ang tanging sagot na naiisip ko.

Hindi ko na hinayaang maitaboy pa ni Kirk. Ako na mismo ang nauna sa Police Car na standard issue sa mga pulis ng lungsod.

“Tessa?! Tessa andiyan ka ba?!” Nagsisigaw ako habang kinakalampag ang bintana ng kotse. Malayo kami mula sa poste kaya hindi ko maaninag kung may laman ba ang kotse.

“Tabi!” Sigaw ni Kirk at bigla na lamang hinagis ang isang malaking bato sa bintana dahilan kaya agad itong nabasag.

Napasinghap ako’t napatakip sa tenga ko dahil sa lakas ng kalabog at nagbasagang salamin. Dali-daling binuksan ni Kirk ang pinto ngunit nakita ko ang dismaya sa mukha niya, ibig sabihin, wala si Tessa sa loob.

“Kirk dito!” Sigaw ko at dali-daling nilapitan ang trunk ng kotse. Sinubukan ko itong iangat ngunit naka-lock ito.

“Crow bar!” Sigaw ni Kirk at agad na pinulot ang crow bar na nasa ilalim lamang ng isa pang kotseng katabi namin. Thank God!

Dali-dali kaming nagtulungan ni Kirk sa sapilitang pagbukas ng trunk gamit ang crowbar. Ilang sandali pa ay tuluyan namin itong nabuksan at tumambad sa amin ang isang nakakapanlumong sitwasyon ni Tessa.

Bumasag sa katahimikan ang pag-bagsak ng crow bar sa sahig matapos ko itong mabitawan. Parang bumaliktad ang sikmura ko at halos maduwal ako nang makita ko si Tessa sa loob ng trunk na puno ng patay at nabubulok na mga bulaklak at halaman. Nakatali ang dalawang kamay niyang nakapatong sa dibdib niya. Suot-suot pa niya ang school uniform namin kaya ang kulay puti niyang pang-itaas ay ngayo’y nagkulay pula na dahil sa dugo.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon