Chapter 31 : Beguiled

71K 4K 2.5K
                                    

Hang in there guys. More will be revealed and explained later. SR family, you know me naman, medyo maluwag turnilyo :* hahahaha.

Ready?

This is it pansit.

Hahahazzz. Napaaga sa inaasahan ang update.

Enjoyyy :)

31.

Beguiled

Tammy

“T-tammy…  Tammy anong nangyayari?”

Parang nagbalik sa katinuan ang pag-iisip ko nang hinawakan ni Quinn ang nangingining kong kamay. Muli kong pinagmasdan si Kirk na nakatalikod parin mula sa amin. Wala akong naiintindihan pero isa lang ang nasisiguro ko… Hindi kami ligtas kay Kirk.

“Run…” Unti-unti akong napaatras at napahawak pabalik sa kamay ni Quinn. “Run!”

Sa isang iglap, kapwa na kami tumatakbo ni Quinn.  Humahangos, umiiyak, at takot na takot. Kahit na hirap, pilit pa naming binibilisan ni Quinn ang pagtakbo.

Palakas ng palakas ang ulan kaya lalo pa kaming nahihirapan. Napakalamig pero hindi na madilim. Natatakot akong lumingon kasi alam kong sinusundan kami ni Kirk.

“Tammy ‘wag kang matakot sakin!” Narinig ko siyang sumigaw pero hindi parin ako huminto sa pagtakbo.

“Tammy dito!” Hinigit ni Quinn ang kamay ko at nagulat ako nang mapansing patungo kami sa nagtataasang taniman ng mga mais sa hindi kalayuan. Napakadilim at napakalawak ng maisang ito. Hindi na ito hagip ng mga ilaw ng train station at mas mataas pa nga kesa sa amin ang mga tanim.

Sa di malamang dahilan, bago tuluyang pumasok sa maisan ay lumingon ako at nakita ko si Kirk. Walang kaemo-emosyon ang mukha, gaya namin ay basang-basa narin siya ng ulan pero kapansin-pansin ang hawak niyang baril. Shit.

Binitawan ni Quinn ang kamay ko. Mas nauuna siyang tumakbo sakin habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Lalong sumasakit ang katawan ko. Bumabangga sa mga sugat at mukha ko ang mga dahon at tanim.  Halos mahirapan na akong huminga. Masyadong masikip at pakiramdam ko ay nagpapaikot-ikot lang kami. Napakadilim. Lalo akong nahihirapan sa pagtakbo dahil bumabaon lalo ang mga paa ko sa putik at para akong nawawala sa balanse.

“Shit! No!” Tuluyan akong napasigaw nang hindi ko na maihakbang ang isa kong paang nakabaon na sa putik.

Paulit-ulit kong ginagalaw at sinusubukang hugutin ang paa ko pero wala na akong lakas pa kaya naiyak na lamang ako.

“Quinn I can’t—“ Nag-angat ako ng tingin at laking gulat ko nang makitang tumatakbo na si Quinn palayo. Iniwan na niya ako.

“Don’t move. Stay there.”

Nanlaki ang mga mata ko at para akong nanigas sa matinding gulat nang marinig ko ang boses ni Kirk mula sa likuran ko. Pero mas lalo akong nagulat nang bigla siyang tumakbo at nilagpasan lamang ako.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon