Chapter 33 : Haywire

95.5K 4.5K 3.9K
                                    

Are you ready? wahahahaah

Heto na...

Mahaba-haba siya so dont skip okeee?

hahahaha.

bwahahaha.

MERRY CHRISTMAS PALA HOHOHO

Chapter theme on the side ->

33.

Haywire

Third Person's POV

"D-dustin?" Napako si Tammy sa kinatatayuan at lalong napahagulgol. "No! Dustin anong ginawa mo?! Paano mo nagawa sakin to?!" Labis na nanlumo at nasaktan si Tammy sa nalaman. 

"Kuya okay ka lang ba?" Natatarantang lumuhod ang umiiyak na si Dustin sa harap ni Kirk na namimilipit sa sakit at hindi na makatayo.

"Kirby si Tammy..." Mahinang sambit ni Kirk na para bang alalang-alala kaya tumayo na lamang si Dustin at hinarap si Tammy habang nakayuko ang ulo.

"A-ate..." Panay ang pag-hangos ni Dustin. Ni hindi niya magawang tingnan si Tammy dahil alam niya ang galit na nararamdaman nito.

"Dustin anong ibig sabihin nito? Dustin anong ginawa ko sayo?! Dustin paano mo nagawa sakin to?!" Halos walang lumabas na boses mula sa bibig ni Tammy. Panay lamang ang kanyang hikbi't hagulgol samantalang nakatayo lamang sa likod niya si Quinn na hindi makakilos dahil sa gulat.

"Ate magpapaliwanag ko! A-ate please magtiwala ka lang sakin!" Aligaga, Iniangat ni Dustin ang kanyang ulo nagmamakaawang tiningnan si Tammy sa mga mata. Humakbang siya papalapit pero humagulgol lamang lalo si Tammy at itinutok sa kanya ang hawak na baril.

"Stay away from us! Pare-pareho lang kayo!" Nanginginig ang mga kamay ni Tammy pero hindi parin niya binababa ang baril. Si Quinn naman ay nanatiling nagtago sa likod ni Tammy.

"T-tammy 'wag mo siyang sasaktan!" Suminghap si Kirk at lumunok. Idinaan niya ang palad sa mukha upang mapunasan ang tubig ulang tumatama sa mukha niya, "Tammy ako ang saktan mo 'wag si Kirby! Ako ang may ideya nito!" Giit ni Kirk na pilit itinataas ang dalawang kamay na tila ba kinukumbinsi si Tammy na ibaba ang baril.

Sampung taon na ang nakakaraan, nasa playground ng isang ospital sa Maynila ang mga batang sina Kirk, Kirby at Calix kasama pa ang ibang mga batang gaya nila'y sumasailalim sa mga trauma theraphy at counseling.

"Kuya ayoko!" Pagmamakaawa ng umiiyak na si Kirby at paulit-ulit na umiling-iling. "'Wag mo akong ipamigay, ayoko! Sama lang ako sayo!" Pilit siyang nagsasalita sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Lumuhod si Kirk sa harap ng nakababatang kapatid. Ayaw niyang makita siya nitong umiiyak kaya itinali na lamang niya ang sintas ng butas at lumang sapatos ng kapatid.

"Kirk sigurado ka ba dito? Kamamatay lang ng tatay niyo! Diba dapat 'wag kayong magkahiwalay?" Giit naman ng batang si Calix na nasa likuran lamang ng magkapatid.

Huminga ng malalim si Kirk at taas-noong hinarap si Calix. Umiiyak man, pilit niya itong tinatago sa pamamagitan ng pag ngiti.

"Sigurado ako. Payag na akong ampunin ng mag-asawang 'yon ang kapatid ko. Diba nga ikaw na mismo ang nagsabi, mabait yung crush mo kahit na hindi nagsasalita at iyak lang ng iyak. Siguro naman aalagaan niya si Kirby." Giit ni Kirk kaya walang nagawa si Calix kundi tumango-tango na lamang.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now