Chapter 34 : The Expiration

87.7K 3.8K 1.4K
                                    

34.

The Expiration

Tammy

Forgiveness.

They say, to live a happy life one must forgive and forget. And I completely agree with it... but maybe… just maybe… it does have its exceptions.

I guess some persecutions aren’t meant for absolution. Maybe the only way to stop the pain is by retribution.

People who insist to forgive something horrible and downright unjust aren’t the ones suffering from persecution. When tables are turned and they’re the ones at loss, perhaps their perceptions would alter in a snap. It’s funny how everything changes once we become those who wear a chained ball to their feet.

Ngayon pa lang sumisikip na ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga sa sobrang sama ng loob dahil sa pagtalikod ko kay Quinn. Para akong sinusunog sa impyerno habang pinapakinggan ang palahaw at tili niya. And what’s worse? Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.

Alam kong pagsisisihan ko ang desisyon ko at minu-minuto akong uusigin ng konsensya ko. Ngayon pa lang nararamdaman ko na ito at idinadaan ko na lamang sa pag-iyak.

This guilt and regret, I accept this.

I accept the fact that this moment will haunt me for the rest of my life.

Masakit sa aking talikuran ang sarili kong kaibigan pero mas masakit kung tatalikuran ko ang pamilya ko.

Dustin is my family and family always comes first.

Dustin may not be my biological brother but I love him like my own. Hindi ko siya mahal kasi pinalitan niya si Dustin, mahal ko siya kasi napamahal ako sa kanya bilang siya. Dustin and Kirby are my brothers.

I can’t lose a brother again. Losing a brother means losing my family and I can’t afford to lose my family again. I’ll die.

What happened to Dustin and his real family… I can’t blame him for seeking retribution... but that doesn't mean I approve of his wrongful actions. He killed my friends and even betrayed his own. Galit na galit ako sa mga ginawa niya sa mga kaibigan ko pero hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Siya parin si Dustin na kapatid ko sa kabila ng lahat. 

Namalayan ko na lamang na hindi ko na naririnig ang mga palahaw ni Quinn at papalapit na sa kotseng kinaroroonan ko ang iika-ikang si Kirk na inaalalayan ni Dustin.

Nakatutok ang headlight sa direksyon nila kaya kitang-kita ko sila papalapit. Nakaakbay si Kirk kay Dustin dahil hindi siya halos makatayo pero sa kabila nito ay wala akong nakikitang hirap sa mga mukha nila. Kung tutuusin, mukha pa nga silang masaya.

May sinabi si Kirk kay Dustin pero hindi ko na ito narinig. Nakita ko na lamang silang nag-ngitian sa isa't-isa na para bang napakasaya.

Natagpuan ko ang sarili kong lumuluha habang nakaupo sa backseat ng kotse ni Kirk. Natatakot ako sa magiging epekto ng mga desisyon ko. Tama bang mas pinili ko ang pamilya ko? 

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon